• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pangako ni Abalos, ‘no sacred cows’ sa mas pinalakas na anti-drug drive

TINIYAK ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin Abalos Jr. na walang exempted mula sa ginagawang paglalansag ng pamahalaan laban sa ilegal na droga.

 

 

Sa katunayan, ipinag-utos ni Abalos sa mga  law enforcers  na maging “role models” sa kampanya na  puksain ang panganib  dala ng ipinagbabawal na gamot.

 

 

“We have to make a statement. We are going to show our people that the government is serious about this war on drugs. There will be house cleansing, and no one will be spared, ” ayon kay Abalos sa isang kalatas kasabay ng pagdiriwang ng International Day Against Drug Abuse and Illicit Trafficking (IDADAIT).

 

 

Ani Abalos, ang tema ngayong taon ay  “People First: stop stigma and discrimination, strengthen prevention” ay alinsunod sa prinsipyo ng Buhay Ingatan, Droga’y Ayawan (BIDA) ng gobyerno, pangunahin sa  pagsawata  at rehabilitasyon.

 

 

“We do not believe in shortcuts. We believe in the rule of law. Trust in government must be sustained. Everyone has a role in this fight. We will increase awareness against the use of illegal drugs, strengthen our community-based drug rehabilitation program, empower the youth, engage with the business sector, and promote an active lifestyle,” ang wika ni Abalos.

 

 

Matatandaang, inanunsyo ni Abalos ang pagsasagawa ng  random drug testing sa  DILG, sa attached agencies nito at , lokal na pamahalaan bilang bahagi ng  BIDA Program ng departamento.

 

 

Tinatayang 50 police officers ang sinampahan ng  criminal at administrative cases  para sa di umano’y nakagawa ng iregularidad  sa pagbawi ng P6.7 bilyong halaga ng “shabu” noong Oktubre noong nakaraang taon.

 

 

“The aim of this year’s campaign is to raise awareness about the importance of treating people who use drugs with respect and empathy; providing evidence-based, voluntary services for all; offering alternatives to punishment; prioritizing prevention; and leading with compassion,” ayon sa  United Nations Office on Drugs and Crime  ngayon  ipinagdiriwang ang  IDADAIT. (Daris Jose)

Other News
  • Japan ikinabahala ang missile test ng North Korea ilang araw bago ang pagdalaw ni Biden

    IKINABAHALA ng Japan ang muling pagpapalipad ng North Korea ng kanilang ballistic missiles.     Sa pinakahuling insidente ay nagpakawala ang North Korea ng tatlong ballistic missile patungo sa karagatang sakop ng Japan.     Isinagawa aniya ang nasabing missile test ilang araw bago ang pagbisita ni US President Joe Biden sa South Korea at […]

  • Deadma pa rin sa isyu sa lovelife: SUNSHINE, hinangaan sa pagrampa na naka-two piece sa fashion show

    İSA si Donita Rose nagtataglay ng magandang mukha sa mga member ng programang “That’s Entertainment” noon ng namayapang German Moreno.   Pero ayon pa sa aktres at TV host ay hindi man lang sumagı sa isip ng TV host-actress na maganda siya nung mga panahon na yun.   Basta ang nasa ısıpan niya ay naramdaman niyang […]

  • Sobrang saya sa billboards nila ni Gela: SYLVIA, forever grateful and thankful sa Kapamilya Network

    FOREVER grateful and thankful ang premyadong aktres na si Sylvia Sanchez sa Kapamilya Network, ang kanyang mother studio simula pa noong 1997.     Sa kanyang Instagram post, kasama ang photos nila ng asawang si Papa Art Atayde, ang magkasintahan na sina Ria Atayde at Zanjoe Marudo. Ang mga larawan ay makikitang kuha sa rooftop […]