• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Isinusulong pa rin ang responsible pet ownership: CARLA, nais isabatas na ipagbawal ang animal cruelty sa set

WINNER ang nais ni Carla Abellana na mabigyan ng proteksyon ang mga hayop na napapanood o na gumaganap sa mga teleserye at pelikula.

 

 

Katuwang ni Carla sa adbokasiya ang Philippine Animal Welfare Society (PAWS), na nagnanais na isabatas na ipagbawal ang animal cruelty sa set, at hindi rin dapat ginagamit bilang props ang mga hayop.

 

 

Bukod sa workplace safety para sa mga hayop, matagal nang isinusulong ni Carla ang responsible pet ownership at iba pang animal rights.

 

 

Sa kanya namang Instagram account, isinulong din Carla ang pagtigil sa dog meat trade na laganap pa rin sa ibang lugar sa bansa.

 

 

Sa kanyang post, ni-repost ni Carla ang post ng Animal Kingdom Foundation tungkol sa kalunos-lunos na sinapit ng isang aso na kinitil ang buhay para sa karne nito.

 

 

“I use my platform so that you are aware of what happens around your neighborhood every single day. Because if you’re not aware, then how can you help put an end to such things? Will you allow this to just keep happening?” caption ni Carla sa post.

 

 

May hashtag itong #EndTheDogMeatTrade at #StopAnimalCruelty.

 

 

Galit na galit rin si Carla sa kumalat na videos at litrato kung saan dalawang lalaking naka-motorsiklo ay may kaladlakd na buhay na aso.

 

 

Natunton na umano ang pagkakakilanlan ng mga lalaki at ihaharap sa kaukulang parusa.

 

 

***

 

 

BUKOD sa pagiging direktor at producer, isa ring full-time NBI agent si Roland Sanchez.

 

 

“Iyon ang trabaho ko talaga. Itong directing passion ko lang talaga ito, yung paggawa ng pelikula. Pero yung mga ginagawa kong pelikula, yung may social relevance.

 

 

“Base dun sa mga iniimbestigahan ko.”

 

 

Hindi ba siya natatakot, kapag gumagawa siya ng ganitong klase ng pelikula ay nae-expose ang mga anomalya sa lipunan?

 

 

“Hindi naman kasi unang-una alam ko naman yung batas, alam ko naman yung naghihiwalay sa what is fiction and what is factual at pangalawa alam ko naman yung sinasabi ko at sinusulat kasi nga NBI agent ako.”

 

 

Si Roland rin ang sumusulat ng script ng mga pelikula niya na parehong fictional at factual.

 

 

Wala naman raw conflict sa paggawa niya ng pelikula na base sa mga kasong iniimbestigahan niya.

 

 

Twenty two years na si Roland bilang isang line agent ng NBI.

 

 

Pinakabago niyang nagawang pelikula ang ‘Ikigai (Life Is A Beautiful Ride)’ na mula sa produksyon ng Tropang Short Ride.

 

 

“Back draft story niya is about agricultural smuggling and tungkol sa mga riders kasi rider kasi ako. We intend to submit the film sa international motorcycle film festivals kaya lang sayang naman, so ito pang-Netflix actually pero sasali muna kami sa mga international film festivals.”

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Ads September 11, 2021

  • Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan, itinaas ang kamalayan ng publiko ukol sa disaster resilience

    LUNGSOD NG MALOLOS – Maliban sa pagiging handa, ipinatupad ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) ang kampanya sa disaster resilience upang maitaas ang kamalayan ng publiko sa kahalagahan ng maagap na pagtugon sa mga sakuna.     Bilang bahagi ng National Disaster Resilience Month 2022 […]

  • RHIAN, tuluyan nang nagpaalam bilang co-host ni WILLIE at balitang pupunta ng Paris

    TULUYAN nang nagpaalam si Kapuso actress Rhian Ramos bilang co-host ni Willie Revillame sa “Tutok To Win” na napapanood Mondays to Fridays.      Actually, dalawa silang co-hosts noon ni Willie, si Ai Ai delas Alas, na nauna nang nagpaalam dahil pupunta naman ng Las Vegas para bisitahin nila ng asawang si Gerald Sibayan ang […]