• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Open na makapag-guest sa shows ng GMA: VICE, nalungkot pero walang galit sa TV5 at ‘di sinisisi ang TVJ

NGAYONG July 26 na ipalalabas sa mga sinehan ang kauna-unahang pelikula ng reel & real life couple na sina Julie Anne San Jose at Rayver Cruz, ang romantic-drama na “The Cheating Game” na produced ng GMA Public Affairs at GMA Pictures.

 

 

Abala na nga sa mga promotion ang JulieVer at in fairness, nakikita namin ang kasipagan nila sa pagpo-promote ng movie. 

 

 

Personally, wish namin na sana nga, sa kabila ng lukewarm pa rin talaga kung titingnan ang pagtangkilik ng mga Pinoy movigoers sa mga palabas sa sinehan, sana mag-translate sa box-office ang kasipagan ng mga JulieVer fans sa social media.

 

 

It’s about time, sa totoo lang. 

 

 

Sa isang banda, inamin ni Julie na may kilig daw sa kanya na ngayon nga, sobrang nakaka-bonding niya kahit sa mga kantahan at sayawan ang pamilya Cruz.

 

 

“Nakakakilig,” natawang sabi niya.

 

 

“Nakaka-work ko na before si Kuya Rodjun (Cruz) so somehow, may nabuo na rin kaming bond.  Si Ate Dianne (Medina) rin.”

 

 

Tuwang-tuwa naman si Rayver sa nakikita nga raw niyang closeness ni Julie sa pamilya niya.

 

 

Sey pa niya, “’Yung mga Tito ko, Tita ko, sobrang kasundo ni Julie pagdating sa music. Kasi ang Cruz talaga, puro banda silang lahat. Sobrang tuwang-tuwa sila kasi, sobrang bait at sobrang galing ni Julie.”

 

 

***

 

 

SA pamamagitan ng kanyang Youtube channel, nagsalita na si Vice Ganda sa mga kaganapan ngayon sa It’s Showtime. 

 

 

Kung paano, mawawala na sila sa TV5, pero mapapanood na sila sa GTV. 

 

 

Inamin ni Vice na sa nangyaring gulo sa pagitan ng TAPE, Incorporated at ng TVJ, sila na nananahimik ang naipit.

 

 

Ayon kay Vice, “Alam mo, ang unang naramdaman talaga namin, tayo ang naging casualty ng naging problema ng TVJ at saka ng Eat…Bulaga! Parang tayo ang tinamaan ng mga canyon na binala nila.

 

 

“’Yun ang unang naging damdamin namin kasi noong una, okay naman sila do’n, okay naman kami. Kung hindi naman sila nag-away, eh, ‘di buo pa rin sana sila.  

 

 

“May kontrata pa naman sila sa GMA hanggang next year, pero dahil hindi sila nagkasundo, nagkahiwalay… at ang mga naging desisyon nila, malaking-malaki ang naging epekto sa amin na nanahimik.”

 

 

Klaro naman kay Vice na hindi naman daw nila sinisisi ang TVJ dahil lahat naman daw sila, gusto lang mag-trabaho. 

 

 

At sa tanong kung may galit ba siyang naramdaman sa TV5 na tila nailaglag sila, though, end of contract na nilang talaga ngayong June 30, sinabi niyang wala raw siyang galit.

 

 

“Wala, wala akong galit sa TV5, pero siyempre, nalungkot ako dahil hindi pabor sa amin.  Sa buhay naman, mas masaya tayo kung ang mga nangyayari naman ay pabor sa atin.  Masakit man at malungkot sa damdamin, pero kailangan mong i-respeto ‘yon.”

 

 

At sa July 1 nga, magsisimula ng mapanood ang ‘It’s Showtime’ sa GTV na sister network ng GMA-7.  At sa Sabado, tatlong noontime show na ang tutukan sa kauna-unahang pagtatapatan.

 

 

Nagpasalamat si Vice na, “Maraming-maraming salamat sa GMA. Maraming-maraming salamat sa GTV. Maraming-maraming salamat po sa pagtitiwala niyo.  

 

 

“At sa bukas-palad, bukas kamay ninyong pagtanggap sa amin, maraming-maraming salamat. Malaking bagay po ito sa amin.”

 

 

At sa huli, vocal naman si Vice na since maggi-guest daw sila sa ilang GMA shows, may request daw siya na isang programa ng network na gusto niya talagang mag-guest sa show na ‘yon.

 

 

At kung babasahin ang mga comment ng mga netizens, posible raw na ang show ni Jessica Soho na ‘KMJS’ ang tinutukoy ni Vice.

 

Exciting!

(ROSE GARCIA)

Other News
  • ‘Duterte Legacy?’: Utang ng Pilipinas record-breaking sa halos P13 trilyon

    SUMIRIT sa panibagong all-time high ang outstanding debt ng pamahalaan matapos itong maitala sa P12.76 trilyon sa pagtatapos ng Abril 2022 — bagay na naapektuhan ng paghina ng piso kontra dolyar.     Ibinalita ito ng Bureau of Treasury, Huwebes, ilang linggo matapos maiulat na katumbas na ng 63.5% ng ekonomiya ang utang ng Pilipinas. […]

  • Ads December 6, 2023

  • Home isolation package ng PhilHealth na may mild at asymptomatic systems

    Pinaalalahanan kahapon ng Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth) ang publiko na may alok silang COVID-19 Home Isolation Benefit Package (CHIBP) para sa mga miyembro nitong asymptomatic o may mild lamang na sintomas ng COVID-19.     Ayon kay PhilHealth spokesperson Shirley Domingo, ang naturang package ay available para sa mga miyembro nilang nagpositibo sa COVID-19, […]