Tumatanaw ng ‘utang na loob’ at forever na nakasuporta: SHARON, special guest nina TITO, VIC at JOEY sa pagsisimula ng bagong noontime show
- Published on July 1, 2023
- by @peoplesbalita
SI Megastar Sharon Cuneta ang special guest nina Tito Sotto, Vic Sotto, Joey de Leon at ang Legit Dabarkads sa pagsisimula sa araw na ito, July 1 ng new noontime show nila sa TV5 na sinasabing ‘This Is Eat!’ ang titulo.
Sa Instagram account ni Sharon, pinost niya ang short at may caption na… “See you on July 1!!!”
“Without my Daddy Tito Sotto who discovered me, I never would have become a singer or (more importantly) have had a second father; without Tito Vic Sotto I never would have had my first memorable hits after Mr. D.J.; without Tito Joey De Leon I never would have had memorable hits after Mr. D.J. as well, or a first co-host on my own The Sharon Cuneta Show from 1986 on IBC 13 until around 1988 on ABS-CBN.”
Sa pagpapatuloy ni Mega, “I have a 44-year history with eat-bulaga — I used to appear there regularly starting in their first home, RPN 9, in my St. Paul uniform without makeup! As much as I love my ABS-CBN Kapamilya, I could NEVER NOT give importance to my eat-bulaga family.
“My home station ABS-CBN has known and respected this since I joined it in 1988. Wala pang legit dabarkads o si @iceseguerra sa Little Miss Philippines sa eat-bulaga noon, ako na ang baby nila! And I will be there for them whenever they call me.
“It’s PAYBACK TIME, which is how it forever will be for me towards eat-bulaga! No one can ever put a beloved institution down.”
Marami naman ang natuwa sa announcement na ginawa ni Sharon at ang kanyang ‘di matatapos na pagtanaw niya ng utang na loob sa TVJ.
Ilang sa mga naging comments ng netizens…
“Atleast malinaw na ‘utang na loob’ ang rason.”
“Gusto nyang malaman natin lahat na tumanaw siya ng utang na loob.”
“Wala namang masama sa pagbayad ng utang na loob at maglingon sa pinanggalingan. Masama ba yun? Di ba ang masama yung di marunong magbalik/magbayad?”
“And yes, she was one of the orig co-hosts!”
“No big deal. Eat Bulaga is her family sabi nga niya. Tapos na ang network war!”
“She grew up around Eat Bulaga naman. Diba?”
“Wow how nice of ABS naman lakas ni Mega.”
“Understandable naman, family first!”
“Di naman siya host o part ng Showtime. Bihira nga siya na guest unless may ipromote. So wala talagang kaso.”
“Very well said Sharon. I will watch the July 1 episode to see any progress/changes to the new Eat Bulaga. I hope it’s entertaining enough to look forward from thereon.”
“Baka maka0duet sya ni Carren. Excited for this! Wala imposible sa original dabarkads, sa dami ng artistang natulungan at pinasikat nila throughout the years, for sure maraming tatanaw ng utang na loob at mag guest sa kanila uli.”
(ROHN ROMULO)
-
Ads December 3, 2020
-
Tsina, patuloy na itinatanggi ang access ng Pinas sa WPS
PATULOY na itinatanggi ng Tsina ang ‘right to access’ ng Pilipinas sa exclusive economic zone (EEZ) nito sa West Philippine Sea (WPS). “It’s the same story over and over again. They have been more aggressive denying us access to our EEZ in the WPS,” ang sinabi ni , Defense Secretary Gilberto Teodoro Jr. sa […]
-
Sakaling palarin ang PBA Partylist ni Rambo: MAJA, magiging asawa na ng isang Congressman
ISA nga sa nagpadala ng mensaheng pagbati ang PBA (Puwersa ng Bayaning Atleta) Partylist para sa kanilang representative na si Rambo Nuñez at sa kanyang fiancée na si Maja Salvador. Ayon sa kanilang statement, “The PBA Partylist would like to congratulate our very own Rambo Nuñez and the beautiful Maja Salvador on their […]