• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pasabog ang teaser ng ‘The Cheating Game’: JULIE ANNE, kitang-kita ang versatility bilang aktres kaya pinupuri

PASABOG ang teaser ng ‘The Cheating Game’!

 

 

Umani nga ng mga positibong komento ang teaser ng pelikula ng GMA Public Affairs at GMA Pictures na pagbibidahan nina Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose at Total Heartthrob and Performer Rayver Cruz.

 

 

Nitong Miyerkules (June 28) ito napanood on air at online. Marami ang lalong na-excite sa pelikula dahil very interesting, intense, at unpredictable umano ang ipinakitang storyline batay sa teaser.

 

 

Talaga ring damang-dama na agad ang emosyon ng mga bida kasama pa sina Martin del Rosario, Winwyn Marquez, at Thea Tolentino. Syempre, hakot-papuri rin si Julie Anne dahil kitang-kita ang versatility niya bilang aktres dahil tila hindi na mala-Maria Clara ang role niya rito.

 

 

Konting tulog na lang, malalaman na ang kuwento nina Hope Celestial (Julie Anne) at Miguel Agustin (Ravyer). Mapapanood na sa mga sinehan ang ‘The Cheating Game’ simula July 26!

 

 

***

 

 

PINAKILALA na ang mga actors na mapapanood sa second season ng ‘Squid Game’, ang phenomenal Korean survival drama na pinalabas sa Netflix noong 2021.

 

 

Unang in-announce ng Netflix na kasama sa second season sina Yim Si-wan, Kang Ha-neul, Park Sung-hoon and Yang Dong-geun. Magbabalik din sa series sina Lee Jung-jae, Wi Ha-joon, Lee Byung-hun and Gong Yoo.

 

 

Dagdag pa sa cast ang K-pop stars na sina Choi Seung-hyun (formerly T.O.P of the iconic group Big Bang) at Jo Yuri of the South Korean-Japanese girl group IZ*ONE. Join din sina Park Gyu-young, Lee Jin-wook, Kang Ae-sim, Lee David, Won Ji-an and Roh Jae-won.

 

 

Mga nagwagi ng acting awards sa first season ng ‘Squid Games’ ay sina O Yeong-su (Golden Globe best supporting actor) at Lee Jung-jae (Screen Actors Guild, Independent Spirit and Primetime Emmy best actor).

 

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • MANILA HEALTH WORKERS, BUWIS-BUHAY PERO…

    KUMPARA sa ibang siyudad at munisipalidad sa bansa, hindi nabibigyan ng tamang kalinga at malasakit aqng mga barangay health workers ng Maynila.     “Naririnig natin, maayos daw ang honorarium at benefits ng health workers natin, pero kabaligtaran ito. Hindi siya nabibigyang halaga ng city government, pati ang ating mga barangay tanod na palaging nakaumang […]

  • KILO/s KYUSI STORE, pormal nang binuksan sa publiko

    PINASINAYAAN at pormal nang binuksan ang permanent store ng Kilo/s Kyusi Kilo Store ng Bayan, Tulong para sa Kinabukasan sa QC!     Ang nasabing store ay isang fund raising project para sa QC Learning Recovery Trust Fund na layong suportahan ang Zero Illiteracy Program ng lungsod.     Nilalayon din ng proyekto ang pag-iwas […]

  • UN, inanunsyo ang P607-M para sa typhoon relief sa Pinas

    MAGLALAAN ang United Nations (UN) ng USD10.5 million o P607 million sa bagong relief support sa rehiyon na labis na tinamaan ng kamakailan lamang na tropical cyclones sa Pilipinas.     Inanunsyo ng UN Philippines ang bagong pagpopondo, araw ng Biyernes, kasabay ng pagbabago sa Humanitarian Needs and Priority Plan (HNP), target na ipunin ang […]