• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Vice bumalik ang trauma, Maine hindi kinaya ang pamamaril sa mag-ina

Tulad ng karamihan hindi rin kinaya nina Vice Ganda, Angel Locsin, Maine Mendoza at iba pang celebrities ang napanood na video sa pagpatay sa mag-ina ng isang pulis sa Tarlac dahil sa right-of-way.

 

Nag-viral ang nasabing video ng pamamaril ng pulis-Parañaque na si Police SMSgt. Jonel Nuezca sa mag-inang sina Sonya – 52 -– at Frank Gregorio – 25 – na kinasuhan na kahapon ng double murder.

 

“Natulala ako matapos ko mapanuod ung video. Bumalik yung trauma ko. Bumalik lahat ng pilit ko ng ibinabaon na alaala. Ung putok ng baril. Ung itsura nung tatay ko na parang baboy na sinasakay sa jeep. Ung mukha ng demonyo. Ang bigat ng nararamdaman ko,” tweet ni Vice.

 

Tweet naman ni Maine ; “BAKIT KAILANGANG UMABOT DOON? Hindi ko kaya, grabe, Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko pero pwede bang barilin ka nalang din sa harap ng anak mo? Sorry Lord pero sobra kasi yun eh. Sobra yung ginawa niya. Hustisya para sa mag-inang Gregorio. #STOPTHEKILLINGS.

 

“Bihira nalang magcheck ng Twitter, yun pa talaga bubu­ngad sayo. Ang sakit talaga sa puso… #STOPTHEKILLINGSPH #EndPoliceBrutality,” dagdag ni Maine·

 

Maging si Alessandra de Rossi ay galit ang naramdaman sa ginawa ng pulis noong Linggo ng hapon sa harap mismo ng anak niyang menor de edad. “Di” dapat yan, hindi Jon. Pota. #STOPTHEKILLINGSPH #EndPoliceBruta­lity. Justice sa lahat ng nawalan ng mahal sa buhay dahil lang sa init ng ulo ng ibang tao. It’s not fair.”

 

Pahayag naman ni Julius Babao – “Gusto kong maniwala na maraming pulis pa din ang mabubuti, Ang PNP ang dapat gumawa ng paraan para maayos nila ang kanilang hanay dahil ang video na ito ay patunay na mayroon talagang mga abusadong pulis na umaastang sila na ang batas at gobyerno. #StopThe­KillingsPH.”

 

Kuhang-kuha sa video ang brutal na pagbaril ng pulis sa ulo ng mag-inang walang nagawa.

Other News
  • Nagpapasalamat sa ‘Sparkle’ sa naitulong sa Beautederm: RHEA, patuloy sa pagbibigay ng tulong sa mga mag-aaral at matatanda

    PROUD na proud na pinost ng Beautederm Home endorser at Kapuso Primetime Queen na si Marian Rivera-Dantes sa kanyang IG stories ang mga photos ng 7-year old daughter nila ni Dingdong Dantes na si Zia Dantes, na kung saan nanalo ito ng Bronze medal for swimming.     Makikita sa larawan na nakasabit ang kauna-unahang […]

  • SEA Games federation magpupulong muna kung tuluyang kakanselahin ang torneyo

    Magpupulong ang Southeast Asian (SEA) Games federation para malaman ang kahihinatnan ng biennial event na gaganapin sa Vietnam.     Sinabi ni Philippine Sports Commission (PSC) Commissioner Ramon Fernandez, ang chef de mission to the Vietnam SEA Games, isasagawa ang pagpupulong sa darating na Hunyo 24.     Kabilang sa dadalo sa pulong sina Philippine […]

  • Lolo isinelda sa pangmomolestiya sa dalaginding sa Valenzuela

    HIMAS-REHAS ang 82-anyos na biyudo matapos ireklamo ng pangmomolestiya sa 13-anyos na batang babae na miyembro ng pamilyang nag-alaga at nagpapakain sa kanya sa Valenzuela City.     Agad iniutos ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura, Jr. sa Women and Children’s Protection Desk (WCPD) ang pagsasampa ng kasong rape through sexual assault na may […]