Sa yearly list ng People Asia Magazine: ALFRED, kasama sa pararangalan sa ‘Men Who Matters 2023’
- Published on July 4, 2023
- by @peoplesbalita
HANDA na raw ulit si Rita Daniela na bigyan ng second chance ang pag-ibig.
Marami ang nanghinayang sa apat na taong relasyon ni Rita sa ex-boyfriend nito na ama ng kanyang baby boy na si Uno.
Pero matagal na raw na naka-move on ang Kapuso singer-actress at nandun pa rin daw ang pangarap niyang magsuot ng wedding gown at ikasal ng bongga sa isang simbahan.
Pero bago raw mangyari ito, priority raw ni Rita ang kanyang anak na si Uno.
“It’s still one of my dreams na maglakad na naka-wedding gown. Part pa rin ‘yun ng aking pangarap. But I want to be the best mom for my son. Kaya lahat ng atensyon ay ibubuhos ko sa kanya. Si Uno muna bago ang sarili ko,” sey ni Rita na malapit na ring nagbalik fulltime sa pag-arte sa isang teleserye.
***
NAPABILANG si Alfred Vargas sa taunang listahan ng People Asia Magazine ng ‘Men Who Matters 2023’.
Napili ang list base sa personalidad na nakagawa ng significant contributions and changes sa larangan ng business, politics, society, pop culture, the arts, and entertainment.
Ang ‘Men Who Matter’ ay grupo ng esteemed gentlemen na pinipili parangalan ng People Asia, na isang bi-monthly magazine, na nagfi-feature ng movers and shakers, decision-makers and opinion-leaders sa loob at labas ng bansa.
Hindi nakakapagtataka na mapasama si Alfred sa listahan ngayong taon dahil bukod sa kanyang pagiging aktibo niya ulit sa showbiz, naging mahusay din siyang public servant noong pasukin niya ang politics bilang konsehal at congressman.
Noong pasukin nga raw ni Alfred ang politics noong 2013, pinag-isipan daw niya ng husto ang desisyon na ito dahil alam niyang makakaapekto ito kahit paano sa kanyang showbiz career.
“I remember my manager then, Lolit Solis, asking me, ‘Anak, are you sure?’ She told me, win or lose, my showbiz career would never be the same again should I come back. For sure, there were offers for me to run, but even without them, I would have still run. I told Nanay Lolit, yes!”
Noong manalo si Alfred, hindi siya nag-rely sa kanyang pagiging popular na aktor dahil pinagtrabahuan niya ang lahat ng pinangako niya noong mangampanya siya. Naging masipag siya sa kanyang advocacy na maiangat ang kalidad ng buhay ng mga PWDs, nakapag-author at naipasa niya ang 93 laws and 1,200 measures. Natawag ngang isang “prolific lawmaker” si Alfred during his term as congressman.
Kaya wala raw pagsisisi si Alfred sa pagpasok niya ng politics: “No regrets. Politics is 10 times more stressful than showbiz, but 10 times more fulfilling. Showbiz will always be my first love, but public service is my true love.”
Bukod kay Alfred, kabilang rin sa Men Who Matter sina Coco Martin, DILG Secretary Benhur Abalos, MMDA Chairman Romando Artes, Grab Philippines Director For Deliveries Greg Camacho, Sto. Niño De Paz Chaplain Fr. Dave Concepcion, Leeroy New, Dr. Jose Pujalte Jr., Chris Yu, Josh Boutwood, Sandeep Uppal and Fred Hui.
Huling napanood si Alfred sa GMA afternoon teleserye na ‘AraBella’.
***
ANG cameo role ni Kim Cattrall as Samantha Jones sa final episode ng ‘And Just Like That’ season 2 ng HBO ay nagpa-excite sa maraming fans ng ‘Sex and the City’ na sumubaybay sa series mula 1998 hanggang 2004.
Sey ni Kim na hindi pa raw siya ready na magpaalam sa character niyang si Samantha Jones.
“This isas far as I’m going to go. I don’t think I’ll ever say goodbye to Samantha. She’s like a lot of other characters that I’ve done over the years. I get very emotionally attached and protective of my characters. She gave me so much, and I’m so appreciative of her.”
Pumayag si Kim na lumabas sa final episode ng ‘And Just Like That’ pero wala siyang ibang kasama sa eksena. Isang phone conversation yung scene with Carrie Bradshaw played by Sarah Jessica Parker.
Nagkaroon ng fallout ang friendship ng dalawa ng tumangging gawin ni Kim ang third ‘Sex and the City’ film noong 2016.
Gusto na raw mag-move on ni Kim to play other roles on TV. Naging successful naman siya sa paggawa ng spin-off na ‘How I Met Your Father’ for Hulu, ‘Filthy Rich’ for Fox and ‘Glamorous’ for Netflix.
(RUEL J. MENDOZA)
-
State of calamity, idineklara ni Abalos sa apat pang lalawigan dahil kay Carina, Habagat
SINABI ni Interior and Local Government Secretary Benhur Abalos Jr. na idineklara ang State of Calamity sa apat pang lalawigan kasunod ng pananalasa ng southwest monsoon na pinalakas ng bagyong Carina. Sa isinagawang ‘situation briefing on Carina’ kasama si Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sinabi ni Abalos na maliban sa mga lungsod […]
-
Romualdez, nabahala sa pagsara ng Kuwait ng border sa mga Pinoy
NABAHALA si House Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa biglaang pagsasara ng bansang Kuwait ng border nila sa mga overseas Filipino workers (OFWs) nitong nagdaang araw lang. Ipatatawag ni Speaker Romualdez ang Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of Migrant Workers (DMW) upang alamin kung ano ang dahilan ng aksyon ng Kuwait. […]
-
ESPINOSA AT KASAMA, TINANGKANG TUMAKAS SA NBI JAIL
TINANGKANG tumakas sa NBI Detention Center ang tatlong bilanggo na pinangungunahan ni Rolan “Kerwin” Espinosa. Sinabi ni NBI OIC-Director Eric B. Distor na napigilan ng mabilis at napapanahong pagkilos ng kanyang mga ahente ang pagtakas ni Espinosa at 2 pang bilanggo. “As soon as they received the info, they immediately acted […]