DOT pinutol ang kontrata sa ad firm na gumamit ng ‘stock footage’
- Published on July 5, 2023
- by @peoplesbalita
KINANSELA na ng Department of Tourism (DOT) ang kontrata nito sa advertising company na DDB Philippines na nasa likod ng inilabas na campaign video sa turismo ng bansa na “Love The Philippines.”
Nag-ugat ito sa pag-amin mismo ng ahensya na gumamit ng “stock footage” sa audiovisual presentation nito sa bagong promotional video na pinuna ng blogger na si Sass Sasot kung saan mapapanood ang ilang eksena na hindi kinuha sa Pilipinas kundi sa ibang bansa.
Kabilang sa tinukoy ang kuha umano sa rice terraces sa Bali, Indonesia; isang mangingisdang naghahagis ng lambat sa Thailand; isang pampasaherong eroplano sa Zurich, Switzerland; tumatalon na mga dolphin; at isang taong nagmamaneho ng sasakyan sa mga buhangin sa Dubai, United Arab Emirates.
Sa isang pahayag nitong Lunes, sinabi ng DOT na nilabag ng DDB Philippines ang ilang mga tuntunin sa ilalim ng kontrata ng campaign branding sa turismo kabilang ang paggamit ng mga orihinal na materyales para sa promotional video.
“As DDB Philippines has publicly apologized, taken full responsibility, and admitted in no uncertain terms, that non-original materials were used in their AVP, reflecting an abject failure to comply with their obligation/s under the contract and a direct contravention with the DOT’s objectives for the enhanced tourism branding, the DOT hereby exercises its right to proceed with termination proceedings against its contract with DDB,” saad sa isang pahayag ng DOT.
“The DOT shall exercise its right to forfeit performance security as a result of default in obligations under the contract, as well to review standards of performance or lack thereof vis-a-vis any claims for payment and/or any other engagement,”dagdag pa nito.
Nitong Linggo, Hulyo 2, 2023 nang humingi ng paumanhin ang nasabing ad agency sa DOT sa pag-amin na ginamit nila ang non-original stock footage sa campaign video, isang araw matapos iutos ng DOT ang imbestigasyon sa kinukuwestiyong video. (Daris Jose)
-
‘Jurassic World Dominion’ Unveils Epic Trailer
CAN human beings remain as the apex predator in a world where dinosaurs roam the globe? Experience the epic conclusion to the Jurassic era as two generations unite for the first time in Jurassic World Dominion when it opens in Philippine cinemas this June. Chris Pratt and Bryce Dallas Howard are joined by […]
-
Ads April 25, 2023
-
Gobyerno, binatikos ang US report ukol sa human rights situation sa Pinas
KINASTIGO ng gobyerno ang pinagsama-samang report ng US State Department hinggil sa human rights situation sa buong bansa kabilang na ang extensive entry sa Pilipinas. Sinabi ni Communications Secretary at acting presidential spokesperson Martin Andanar na ang findings o natuklasan sa Pilipinas sa 2021 Country Reports on Human Rights Practices ay “ nothing […]