PBBM sa anti-poverty commission, alamin at kilalanin ang ‘problematic’ areas, makipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya
- Published on July 5, 2023
- by @peoplesbalita
KAAGAD na nagbigay ng kanyang marching order si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa National Anti-Poverty Commission (NAPC) para alamin at kilalanin ang mga o identify ang “problematic” communities at makipag-ugnayan sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan upang matugunan ang pangangailangan ng mga Filipino indigents.
“‘Yung mga ibang lugar na talagang hindi makabangon dahil wala, walang tulong, walang ano, walang kalsada, walang facilities, walang infrastructure, identify natin ‘yun para puntahan natin kung ano man ‘yung kailangan nila,” ayon sa Pangulo sa isinagawang pakikipagpulong kasabay ng pagdiriwang ng ika-25 founding anniversary ng NAPC.
Hiniling din nito sa NAPC na idetermina ang mga lugar na walang farm-to-market roads, internet, elektrisidad at water supply.
“So, those are the things, I think, that the NAPC should be doing,” ayon sa Pangulo sabay sabing “Hanapin natin kung saan talaga ‘yung problematic na area and then engage natin lahat ng ibang departamento para the other departments can come in.”
Sa kabilang dako, hinikayat naman ng Punong Ehekutibo ang NAPC na makipag-ugnayan sa ibang departamento para pagsamahin at pag-ibahin ang trabaho ng komisyon.
Samantala, present naman sa unang en banc meeting ng komisyon sa Palasyo ng Malakanyang sina Social Welfare Secretary Rex Gatchalian, Interior Secretary Benhur Abalos, Socioeconomic Planning Secretary Arsenio Balisacan, Technical Education and Skills Development Authority Secretary Suharto Mangudadatu, at Presidential Peace Adviser Carlito Galvez Jr.
Hindi naman nakasama si Larry Gadon, ang newly appointed presidential adviser on poverty alleviation. Hanggang sa ngayon ay hindi pa siya nakakapanumpa sa kanyang bagong posisyon.
Sa kabilang dako, tinuran ng Presidential Communications Office (PCO) na sinabi ni NAPC lead convenor Lope Santos III kay PAngulong Marcos na kinonsulta na ng komisyon ang mga miyembro nito, leagues of local government units, national government agencies, at basic sectors upang kagyat na magtakda ng tasks na aangkla sa Philippine Development Plan 2023-2028.
“The development plan aims to reduce poverty from 18.1% to 8.8% to 9%,” ayon kay Santos.
Sinabi pa ni Santos, target ng NAPC na kompletuhin ang National Anti-Poverty Action Agenda, o mas kilala bilang N3A, sa darating na Setyembre, at i-adopt at balangkasin ang National Poverty Reduction Plan sa Oktubre.
Sinabi ng NAPC lead convenor na pagsasama-samahin ng body ang lahat ng inputs para makalikha ng N3A na magkakaroon ng mga programa para tukgunan ang multidimensional poverty concerns, social, economic, ecological, atgovernance, at ipresenta ang draft para sa approval sa susunod na en banc.
“And we also plan to roll this out — the adoption and formulation of the Local Poverty Reduction Action Plan starting 2024 to be mainstreamed in all provincial development and fiscal framework plans and comprehensive development plans of our local government units, including in the respective annual investment plans,” ayon kay Santos.(Daris Jose)
-
NAKA-HEIGHTENED ALERT DAHIL SA DELTA VARIANT
SINABI ni Health Usec Maria Rosario Vergeire na lahat ay naka-heightened alert ngayon dahil sa banta ng Delta variant. Kaugnay nito, binibigyan diin ng DOH ang direktiba ng IATF pagdating sa Cebu dahil nais lamang aniya ng gobyerno na makontrol ang lalo pang pagpasok ng double mutant variant . ” Lahat […]
-
Patay sa COVID-19 sa China, nasa 2,764 na
MAHIGIT 50 pa ang nadagdag na patay sa nakalipas na magdamag mula sa China, habang may mga nasawi rin sa Italy at Iran dahil sa coronavirus disease (COVID-19). Dahil dito, umabot na sa 2,764 ang kabuuang bilang ng mga nasawi dahil sa naturang sakit. Nasa 80,996 naman ang mga nagpositibo sa virus mula […]
-
BBM ipinag-utos ang pagpapaliban ng LRT fare increase
INAPRUBAHAN ng Department of Transportation (DOTr) ang pagtataas ng pamasahe sa Light Rail Transit Lines 1 & 2 (LRT 1 & 1) subalit ipinag-utos naman ni President Marcos na ipagpaliban muna ito. Sinabi ni DOTr Secretary Jaime Bautista na pinayagan nila ang Light Manila Corp. (LRMC), na siyang namamahala sa operasyon ng LRT1, […]