Pagpapatuloy ng visa-on-arrival scheme, hinirit para sa mga Chinese nationals
- Published on July 5, 2023
- by @peoplesbalita
SUPORTADO ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang pagpapatuloy ng visa-on-arrival scheme para sa mga Chinese nationals.
Tinukoy ang potensiyal na paghikayat para mamuhunan sa bansa, ayon kay ARTA Director General Ernesto V. Perez sa sidelines ng isang forum na inorganisa ng German-Philippine Chamber of Commerce and Industry sa Makati City.
Sa ulat, pinalutang ng Arta ang panukala matapos na makatanggap ang ahensiya ng reklamo mula sa Chinese Embassy.
“If we want to encourage investment, we should make it easier for (investors) to come in,” ayon kay Perez.
We recently received a complaint from the Chinese Embassy that before you can come here … you have to apply with our consular offices. It takes three or four months to get even an appointment,” dagdag na pahayag nito.
Nais naman ng ARTA na makipagpulong sa Department of Foreign Affairs at Bureau of Immigration hinggil sa nasabing usapin.
“How can investors come in when we make it difficult for them to come in and to even acquire a visa? That is one thing that ARTA is also looking into,” ayon kay Perez.
Samantala, ang visa-on-arrival program ay nagsimula noong 2017 na pinahintulutan ni dating Justice Secretary Vitaliano N. Aguirre.
Isang circular ang ipinalabas matapos konsultahin ang Tourism department, dinisenyo ito para i-promote ang turismo.
Sinuspinde naman ng gobyerno ang visa-on-arrival privileges noong Enero 2020 kasunod ng outbreak ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) pandemic. (Daris Jose)
-
P1 rollback sa oil price, epektibo sa susunod na linggo
Inaasahan na muling magkakaroon ng rollback sa presyo ng petrolyo sa susunod na linggo. Sinasabing mahigit sa P1 ang oil price rollback na ipapatupad sa November 23. Ang presyo ng gasolina aabutin mula sa P0.85 hanggang P1.10 kada litro ang posibleng ibaba ang rollback, samantalang sa diesel ay P1.20 hanggang P1.30 […]
-
PBBM, alam na may hakbang para palitan ang Senate President
INAMIN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na alam niya na may mga pagkilos na palitan si dating Senate President Juan Miguel Zubiri. “‘When did I know? The minute they started… actually, it was Senator Chiz (Escudero), the minute he started thinking about it, he brought it up, I think I’m going to try […]
-
Brent Paraiso nagbabu na sa Letran Knights
PAGKALARO sa dalawang magkakaibang collegiate league at makatikim ng gayung dami ng kampeonato, pro rank na ang bet sa papasok na taon ni Brent Paraiso ng bagong koronang 98th National Collegiate Athletic Association 2022 seniors basketball three-peat champion Letran Knights. Kasapi rin siya ng La Salle Green Archers na namayagpag sa 79th University […]