• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hihinto ang buong operasyon ng PNR sa December

ANG KABUUANG operasyon ng Philippine National Railways (PNR) ay hihinto sa darating na December upang bigyan daan ang pagtatayo ng North-South Railway Projects (NSRP) ng PNR at Department of Transportation (DOTr).

 

 

 

Ang unang bugso ng konstruksyon ng proyekto ay ang maaapektuhan ay ang kahabaan ng Alabang, Muntinlupa hanggang Calamba sa Laguna ng PNR route.

 

 

 

Noong nakaraang July 2, ang mga pasahero mula Alabang papuntang Calamba ay hindi na naisakay dahil ang available na train trips ay mula Alabang papuntang Binan sa Laguna lamang habang ang Binan papuntang Calamba train trip ay huminto na ng operasyon.

 

 

 

Ayon sa PNR, may 500 na pasahero kada araw ang maaapektuhan ng paghinto ng operasyon ng PNR train.

 

 

 

Sinabi ni PNR chairman Michael Macapagal na inumpisahan nila ang maliit na bahagi dahil tinututukan nila ang magiging response ng publiko. Sa ngayon ay wala pang mga public utility buses (PUBs) ang kanilang pinatatakbo sa apektadong ruta ng PNR. Subalit kung makita nila na madami ang apektado ay magde-deploy sila ng mga emergency buses sa mga nasabing ruta.

 

 

 

Ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay magbibigay ng karagdagan prangkisa sa mga apektadong ruta upang matulungan ang mga apektadong taong bayan na dati pang sumasakay sa PNR.

 

 

 

“The LTFRB will issue new franchises to the affected routes around Metro Manila as the suspension of operation will start in December after the Christmas season. We will wait for the easing of traffic caused by Christmas season as people will go on shopping for the holiday,” wika ni Macapagal.

 

 

 

Ang NSRP ay gagawin sa loob ng anim na taon. Sinabi ni Macapagal na kanilang tinututukan ang modernization ng train system sa bansa upang magkaron ng mga electric trains na tatakbo mula Clark papuntang Pampanga na dadaan sa Bulacan hanggang Metro Manila at tutuloy hanggang Calamba sa Laguna. Inaasahan ng pamahalaan na ang NSRP ay makakatulong upang magkaron ng isang mayabong at malagong ekonomiya ang bansa.

 

 

 

Magkakaron ng 35 na estasyon ang NSRP na may 51 na bagong electric at commuter trains kasama ang 7 hanggang 8 express trains. Ang mga trains na nabanggit ay at par sa world’s standards.

 

 

 

Sa kabilang dako, ang proyekto ng South Long-Haul o ang PNR Bicol Project ay malapit na rin simulan ang konstruksyon. Ang proyekto ay magsisimula sa Calamba, Laguna hanggang Bicol. Sa ngayon, ang pamahalaan ay nakikipagusap na sa dalawang bansa na interesado na sila ang magtayo ng system.

 

 

 

“Once the agreement is signed between the two countries on a public-private partnership or maybe government-to-government or BOT scheme, the DOTr will issue a bulletin to inform our riding public. We are hoping that by the end of July, everything will be done,” dagdag ni Macapagal. LASACMAR

Other News
  • TOM HOLLAND TALKS ABOUT HIS STUNTS IN “UNCHARTED”

    GO behind-the-stunts of Columbia Pictures’ Uncharted on the hardest action sequence Tom Holland’s ever made. Watch the Stunts Vignette below and experience the movie exclusively in Philippine cinemas February 23.     YouTube: https://youtu.be/3AQWVJDhAqg     About Uncharted     Street-smart thief Nathan Drake (Tom Holland) is recruited by seasoned treasure hunter Victor “Sully” Sullivan (Mark Wahlberg) to recover […]

  • Dating editor ng Remate, patay matapos barilin sa loob ng pag-aaring salon sa Quezon City

    Patay ang dating editor ng pahayagang Remate matapos pagbabarilin sa pagma-may-ari nitong salon sa Barangay  Apolonio Samson sa Quezon City.     Kinilala ang biktima na si Gwenn Salamida.  Sugatan naman ang kasamahan nito na si Oliver Perona.     Batay sa report ng QCPD Criminal Investigation and Detection Unit, nangyari ang pamamaril bandang 3:30 kaninang noong Lunes, […]

  • Tamang oras na ilahad ang sexual identity: MICHELLE, nag-out na rin na isa siyang bisexual

    DALAWANG isyu na noon ay bulung-bulungan lamang ang magkasunod na nakumpirma ngayong pagtatapos ng buwan ng Mayo.     Una rito ay ang dati pang napapabalitang hiwalay na sina Max Collins at Pancho Magno.     Sa episode ng ‘Fast Talk with Boy Abunda’ nitong Lunes, inamin ito ni Max, na nangyari ang kanilang hiwalayan […]