• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ilang taon ding nabakante sa pag-arte: MARIAN, aminadong mangangapa sa pagbabalik-serye at sa pelikula

AMINADO si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera na mangangapa siya sa pag-arte pagkatapos ng ilang taon na mabakanteng gumawa ng pelikula at teleserye.

 

 

Inaayos na nga nina Marian at Dingdong Dantes ang kanilang schedule para sa nakaka-excite na reunion movie nila na “Rewind” under Star Cinema, APT Entertainment at AgostoDos Pictures, na idi-direk Mae Cruz-Alviar.

 

 

Na-announce na rin ang comeback series niya sa GMA, ang ‘Against All Odds’ na kung saan makakatambal na niya finally si Gabby Concepcion.

 

 

“Actually, yung sa soap, very excited. Kasi ang tagal na nito. Parang dapat last month pa kami mag-start.

 

 

“May mga inayos lang na konti, na sabi ko nga e, ‘Gusto ko, pag gumawa ako ng isang proyekto, puwedeng panoorin ng mga anak ko at magiging proud ako.’

 

 

“So ito yung isa sa mga proyekto na yun,” kuwento ni Marian.

 

 

Dagdag pa ng mommy nina Zia at Sixto, “About movie naman, a dream come true for me. Kasi, first time ko talaga with Star Cinema, with Dingdong.

 

 

“So, parang sabi ko, ‘Wow! Napakaganda. Napakagandang opportunity! Masarap sa pakiramdam!’ Very excited na din ako to work.”

 

 

Kahit sobrang excited sa mga projects, aminado naman ang face ng BlancPro, “Sabi ko nga, ‘Naku, back to zero na naman ako sa lighting, sa direktor, sa pag-arte!’ Sabi ko, mangangapa talaga ako, and that’s for sure.

 

 

“Pero sabi ko nga, dahil siguro sa mga makakasama ko, for sure tutulungan ako ng mga direktor, ay maibabalik ko uli yung dating sharpness ko sa pag-arte.”

 

 

At dahil magiging busy si Marian sa taping ng serye at shooting ng movie nila ni Dong, kailangan niyang kausapin ang panganay na anak…

 

 

“Kakausapin ko talaga siya. O, anak, wala si Mama, ha? You will take of your brother,’ sabi ko ganun sa kanya. ‘You update me.’

 

 

“Nanay-nanayan naman siya. Matured kasi mag-isip si Zia, e. Nakaka-proud siya bilang ate,” sey pa ng walang kupas ang ganda na aktres.

 

 

“May checklist ako sa kanya sa dapat niyang gawin. Kung puwede ko lang ma-share sa inyo, meron du’n siyang list na kailangan wina-wash niya yung underwear niya, every time na ginagamit niya.”

 

 

“So, yung kanyang routine sa bahay, cleaning the room, turn off the lights and the TV, alam mo yung kapag hindi ginagamit, clean up your room, pick up your clothes, and wash your underwear.

 

 

“Ano naman si Zia, e, alam niya kung paano niya dadalhin yung sarili niya,” kuwento pa ni Marian sa launching sub-brand/affiliate company ng BeauteDerm ni Rhea Anicoche-Tan.

 

 

Si Marian nga ang napiling maging first and only female endorser ng BlancPro, ang skin line na pang-masa dahil mas mura pero effective pa rin.

 

 

Layunin nito na tulungan ang consumers namapanatili at ma-improve ang “glow” nila na mayroong tagline na “Glow Like A Pro.”

 

 

Ilan sa mga produkto ay ang Milk Body Wash, Sakura Body Scrub, Charcoal Foam, Phyto-Emerald Moisturizing Soap, Sleeping Mask, at ang Jeju White Brightening and Moisturizing Lotion na signature endorsement ni Marian para sa BlancPro, na kung saan katuwang siya sa pag-formulate nito, mula sa mga sangkap, scents, container at packaging.

 

 

Nasubukan din niya ito, kaya nakasisiguro siyang mataas ang quality ng mga produkto at magugustuhan ito masa, na ngayon ay abot-kaya na ang magpaganda nang pangmatagalan.

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Hamon ni Yorme Isko Moreno sa gobyerno, bahala na ang DILG- Sec. Roque

    IPINAUBAYA na ng Malakanyang sa Department of Interior and Local Government (DILG) ang naging pahayag ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso na itutuloy ng lokal na pamahalaan ng Lungsod ng Maynila ang implementasyon ng EO 42 sa paggamit ng face shield sa kabila ng apela ng pamahalaan sa Local Government Units (LGUs) na manatiling […]

  • DA, nagtakda ng suggested retail price na P125/kilo ng imported red onions

    NAGTAKDA ang Department of Agriculture (DA) ng suggested retail price (SRP) na P125 kada kilo sa mga inangkat na pulang sibuyas sa Metro Manila simula bukas dahil nananatiling mataas ang presyo ng mga bilihin.     Inaprubahan ng Department of Agriculture (DA) ang suggested retail price (SRP) kasunod ng endorsement mula sa mga importer, traders […]

  • Metro Manila nagpa-flat trend na sa COVID-19 – OCTA

    Nakapagtala na ng ‘flat trending’ ang Metro Manila, Davao at Bacolod City makaraan ang mataas na bilang ng kaso sa mga nakalipas na linggo, ayon sa indepen­dent na OCTA Research Group.     Base sa COVID Act Now metrics, naitala ang ‘reproduction rate’ ng ­Metro Manila sa 0.91 buhat sa 0.90 mula pa noong Abril […]