Pagdanganan tabla sa ika-68, nakapagsubi pa rin ng P249K
- Published on December 23, 2020
- by @peoplesbalita
HULI na ang pag-init ni Bianca Pagdanganan sa binirang two-under 69 para sa nine-over 297 na naglagak lang sa kanya kabuhol si American Angela Stanford sa 68th place na may tig-$5,189 (₱249K) prize sa pagtiklop ng 10th CME Group Tour Championship 2020 sa Tiburon Golf Club Gold course sa Naples, Florida na pinangunahan ni Ko Jin-young ang 1-2 finish ng South Korea nitong Linggo (Lunes sa Pilipinas).
Iyon ang pinakamagarang nilaro ng 23-anyos na bagitong professional golfer ng Pilipinas sa 72-player field, four-day event makaraan ang 73-79-76 dito, na nagtampok sa 66-270 ni Jin-young para sa five-stroke win sa kalahing si Kim Sei-young (72) at kay Hannah Green ng Australia (67) na nagsosyo sa 275s.
Iniuwi ng 25-anyos, 5-6 ang taas at buhat sa Seoul na si Jin-young ang $1.1M (₱52.8M) champion purse habang may grasya naman sina Sei-young at Green na $209,555 (₱10M) bawat isa.
Ang torneo ang ika-18 yugto at nababa na rin sa telon ng 71st Ladies Professional Golf Association (LPGA) Tour 2020 ng Estados Unidos. (REC)
-
Dept. of Finance pinaburan na ang pagtanggal ng mga POGO sa bansa
HINDI pa rin nagbabago pang posisyon ng gobyerno kapag tuluyan ng tinanggal ang mga Philippine Offshore Gaming Operations or POGOs. Sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno, na walang gaanong magiging epekto sa bansa kapag tuluyan ng tinanggal ang mga POGO. Nais din nito na dapat hindi na mabigyan ng visa ang […]
-
Paggamit ng public resources para sa personal interest, paglabag sa Code of Conduct
PAGLABAG sa Code of Conduct of Public Officials and Employees ang paggamit ng mga awtoridad sa government resources para sa kanilang personal interest. “Ang tanong dyan, pwede bang gamitin ang resources ng ating pamahalaan when clearly, this was a private function that was involved? In my opinion, that is not and should not […]
-
Ngayong pinasok na ang pagiging producer: LOVI, grateful sa support na nakukuha sa Regal Films
GUMAGANAP na Atty. Alexis Miranda si Lovi Poe sa pelikulang ‘Guilty Pleasure’ kasama bilang leading men sina JM de Guzman at Jameson Blake, at sina Dustin Yu, Angelica Lao at Sarah Edwards. Mula ito sa direksyon ni Connie Macatuno at panulat ni Noreen Capili. Palabas na ito sa mga sinehan, mula sa Regal […]