PBBM, nagbabala ng panganib sa poultry, livestock; hinikayat ang publiko na maging bigilante
- Published on July 7, 2023
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nananatiling may panganib sa poultry at livestock sa kabila ng development sa bakuna laban sa animal viral diseases.
Ayon sa Pangulo, kailangang tingnan ng gobyerno ang usaping ito.
Sa pagsasalita ng Pangulo sa pagbubukas ng Livestock Philippines 2023, araw ng Miyerkules, Hulyo 5, binigyang diin ni Pangulong Marcos ang pangangailangan na tuklasin at pigilan ang paglaganap ng mga animal diseases gaya ng African swine fever (ASF) at avian influenza.
Inanunsyo ng Pangulo ang pagkumpleto ng phase one ng ligtas at epektibong pagsubok para sa ASF vaccines.
Sinabi nito na natuklasan ng Bureau of Animal Industry na mag-produce ng sapat na antibodies at maging ligtas kapag ginamit.
Idinagdag pa nito na ang Philippine Food and Drug Administration “is on track to issue a certificate of product registration for these vaccines while phase two trials are underway.”
Ang Pangulo, kasalukuyang Agriculture secretary ay nagpahayag na may progreso ang ginagawa ng pamahalaan pagdating sa pagbili ng Avian Influenza vaccines.
Gayunman, pinaalalahanan nito ang gobyerno na huwag maging kampante hinggil sa availability ng mga bakuna.
“This gives us great hope as we have been waiting for this for a very long time. However, it is not a reason for complacency as we are being continuously warned by those who have studied the vaccine. The vaccine is 80 percent effective. There is still a 20 percent that we need to look out for very carefully,” ayon sa Pangulo.
“But nonetheless, there is still a danger and it is something that we need to look out for,” aniya pa rin.
Batid naman ng Chief Executive na “there is much work to do,” hinikayat ang Department of Agriculture (DA) na ituloy ang pagbuo ng partnerships sa academe at pribadong sektor para makaisip ng solusyon para lipulin ang mga nasabing sakit na patuloy na nagbibigay kalituhan at pahamak sa livestock at poultry subsectors ng bansa.
“I also urge all concerned government agencies and stakeholders to engage in productive dialogue and share our best ideas, practices, and technologies to advance our poultry and livestock industries,” ang wika ni Pangulong Marcos.
“Rest assured that the government stands firm with you in overcoming our present challenges by implementing data and science-based policies and programs,” lahad ng Punong Ehekutibo.
Samantala, muli namang inihayag ng Pangulo ang kanyang commitment na maghanap ng paraan para itaas ang kinikita ng mga Filipinong magsasaka “so that they can lead a dignified and comfortable life and return to the profession a sense of pride that has been lost over the years.”
Hinikayat din niya ang lahat ng mga stakeholders na “make the most of the knowledge and tools made available at the trade fair to establish a more food-secure, sustainable, and resilient Philippines.”
Ang Livestock Philippines 2023 ay isang international trade fair para sa innovative production at processing ng poultry at livestock.
Inorganisa ito ng Informa Markets, nangungunang global events at exhibitions company na dalubhasa sa pag-organisa ng mga trade shows gaya ng Livestock Philippines.
Ang three-day event ang dahilan para magsama-sama ang 300 local at international exhibitors mula sa 20 bansa.
“Through Livestock Philippines 2023, Informa Markets aims to support the development of livestock industry in the Philippines, promote best practices, highlight technological advancements and facilitate trade opportunities,” ayon sa ulat. (Daris Jose)
-
Mga masisibak sa pagpapatakas kay Alice Guo, ‘no scared cows’- PBBM
“THERE are no sacred cows.” Ito ang tiniyak ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa isang ambush interview matapos pangunahan ang Oath-Taking Ceremony para sa mga newly elected officers ng National Press Club (NPC), Kapisanan ng mga Broadcasters ng Pilipinas (KBP) Malacañang Press Corps (MPC), Presidential PhotoJournalists Association (PPA) at Malacañang Cameraman […]
-
Ads July 8, 2024
-
TBA Studios Brings Singaporean-South Korean Film “Ajoomma” To PH Cinemas
TBA Studios is bringing the lighthearted family drama Ajoomma to the Philippines and opens in cinemas on March 15. Singaporean filmmaker He Shuming’s feature debut film, Ajoomma, tells the story of a middle-aged, Korean-drama-obsessed widow from Singapore who travels out of the country for the first time to Seoul, and ends up getting […]