• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Emmanuel Ledesma Jr. itinalaga bilang PhilHealth chief

ITINALAGA ni Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr.  si  Emmanuel Rufino Ledesma Jr.  bilang pangulo at chief executive officer (CEO) ng  Philippine Health Insurance Corporation (PhilHealth).

 

 

Ang pagtatalaga kay Ledesma ay inanunsyo ng Presidential Communications Office (PCO) sa isang Facebook post.

 

 

Si Ledesma  ay magsisilbi rin bilang  miyembro ng expert panel at board of directors ng PhilHealth.

 

 

Nobyembre  2022, itinalaga si Ledesma  bilang acting PhilHealth chief.

 

 

Si Ledesma ay naging pangulo at  CEO  ng  Power Sector Assets and Liabilities Management Corporation (PSALM).

 

 

Ang PhilHealth ay may mandato na pangasiwaan ang  National Health Insurance Program na naglalayong magbigay ng health insurance coverage at tiyakin na  “affordable, acceptable, available at accessible healthcare services” para sa lahat ng mga Filipino.

 

 

Samantala, itinalaga naman ng Pangulo si Col. Jose Luntok bilang  commander ng  Light Reaction Regiment,  ang premier counter-terrorist unit ng Philippine Army.

 

 

Inanunsyo rin ng PCO ang pagkakatalaga kina Khay Ann Magundayao-Borlado bilang  deputy executive director ng  Philippine Commission on Women (PCW).

 

 

Ang PCW ay primary policymaking at coordinating body hinggil sa kababaihan at gender equality concerns.

 

 

“It continues to build upon the past efforts and achievements in advancing the status of women and acts as a catalyst for gender mainstreaming, the authority on women’s concerns, and advocates for women’s empowerment, gender equity and gender equality,” ayon sa ulat.

 

 

Itinalaga rin ni Pangulong Marcos si David Erro bilang miyembro ng Land Bank of the Philippines’ Board of Directors,  kumakatawan sa agrarian reform beneficiaries.

 

 

Base sa bagong listahan ng presidential appointees, ang  Director III post ay ibinigay kay Mathias Malenab (Department of Public Works and Highways), Bonifacio Pajuelas (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration), at Reinalyne Varias (Department of Justice’s Office for Alternative Dispute Resolution).

 

 

Itinalaga rin ng Chief Executive si Romeo Allan Rosales bilang Customs Collector IV ng Bureau of Customs. (Daris Jose)

Other News
  • NBA TARGET ANG MULING PAGBABALIK SA DEC. 22

    UNTI-UNTI nang inilalatag ng NBA ang pagsisimula ng kanilang 2020-2021 season sa pamamagitan nang pagbubukas sa Dec. 22 ng taong kasalukuyan.   Ang naturang impormasyon ay ipinaabot na rin ng liga sa mga Board of Governors.   Sinasabing magkakaroon ng 72-games kung saan mauuna ang mga laro, tatlong araw bago ang kapaskuan.   Gayunman kailangan […]

  • SAM HEUGHAN WILL MAKE AUDIENCES FALL FOR HIM AS THE ROMANTIC LEAD IN “LOVE AGAIN”

    “It feels to me like the classic romcoms that you just don’t see anymore,” says producer Esther Hornstein of Love Again, a new love story opening exclusively in SM Cinemas on May 10.   “Two heartbroken people in New York City – with different reasons for their heartbreak – find their way to each other, […]

  • Ads December 6, 2024