• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Para itigil na ang kanilang hidwaan: K, emosyonal na nakiusap sa tiyahin na tumayong ina-inahan

EMOSYONAL na nakiusap si K Brosas sa kanyang tiyahin, na tumayo niya ring ina-inahan, na itigil na nila ang kanilang hidwaan.

 

 

Sa “Fast Talk with Boy Abunda” nitong Miyerkoles, tinanong ni Tito Boy si K kung napatawad na niya ang kaniyang tiyahin.

 

 

“Yes. Matagal na. Ang tagal naming hindi nag-usap eh,” sagot ni K.

 

 

Gayunman, nanawagan si K sa tiyahin na tapusin na nila ang kanilang hidwaan.

 

 

“Sana tama na, ‘Ma tama na, itigil na natin ito. Tama na please. Kasi ilang beses na tayong nag-ayos. Tama na po,” sabi ni K, na hindi napigilan ang kaniyang pag-iyak.

 

 

“Kasi eighty years old na po ‘yung mama kong nagpalaki sa akin. Lagi kong sinasabi na malaki ang utang na loob ko, alam niyo (Tito Boy) po ‘yung kuwento, hindi ko ipinagkakait ‘yon. Malaki ang utang na loob ko, I will be eternally grateful,” saad ni K.

 

 

“Pero sana tama na, tama na ‘yung sumbat. Gusto ko lang naman marinig ko na, ‘I’m proud of you. Proud ako sa pagpapalaki sa anak mo, sa buong pamilya mo.’ Sana don’t take this the wrong way, pero tama na,” patuloy niya.

 

 

Ayon kay K, hinahanap-hanap niya rin ang pagiging proud sa kaniya ng kaniyang ina-inahan.

 

 

“Gusto kong ma-recognize nila na ‘Nakaka-proud pala ‘yung narating ng anak ng kapatid ko, ng pamangkin ko.’ Hindi ko kasi narinig ‘yun eh ng very light,” paglalahad ng singer-TV host.

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • GARY, hinihiling na ipagdasal na hindi mahawa sa Covid-19; ANGELI, tanggap na nag-positive ‘wag lang ang asawa

    NAGPASALAMAT si Angeli Pangilinan-Valenciano sa mga nag-wish sa kanya ng ‘get-well soon’ dahil sa nag-positive siya sa Covid-19.     “Gosh, nagsilabasan lahat ng mga mahal ko sa buhay!”      Pero huwag daw mag-alaala sa kanya ang mga friends niya at nag-post siya ng: “Guess why I posted this? Here I am isolated because […]

  • Kaabang-abang ang bawat performances sa epic concert: JULIE ANNE, pangungunahan ang pasabog na solo number nila sa ‘Queendom Live’

    NGAYONG Sabado (December 2) na mapapanood ang sinasabing epic concert na “Queendom: Live.” na gaganapin sa Newport Performing Arts Theater.     Magsasama-samang mag-perform sa concert stage ang Kapuso stars na sina Rita Daniela, Jessica Villarubin, Thea Astley, Mariane Osabel, Hannah Precillas, and Asia’s Limitless Star Julie Anne San Jose.     Hatid ito ng […]

  • Championship experience gumana na! Celtics tinambakan ng Warriors sa game 2

    MATINDING opensa at mahigpit na depensa ang ginamit ng Golden State Warriors para gantihan ang Boston Celtics, 107-88, sa Game Two ng NBA Finals.     Humataw si Stephen Curry ng 29 points kasama ang limang three-point shots para sa 1-1 pagtabla ng Warriors sa Celtics sa kanilang best-of-seven championship series.     Tumipa si […]