• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Tubig sa Angat mababa na sa minimum operating level

BUMABA na sa minimum operating level ang tubig sa Angat Dam sa Norzagaray, Bulacan.

 

 

Ayon sa PAGASA, nasa 179.99 meters na lamang ang tubig sa Angat na mas mababa sa 180-meter minimum operating level.

 

 

Mas mababa rin ito ng 0.46 meter kumpara sa 180.45 meter noong Biyernes, Hulyo 7.

 

 

Nabatid na nasa 210 meters ang normal high water level o spilling level ng Angat.

 

 

Ang Angat ang nagsusuplay ng tubig sa 90 porsyento ng residente ng Metro Manila.

 

 

Dahil dito, sinabi ng National Water Resources Board (NWRB) na maaaring bawasan ang water allocation sa Metro Manila kapag bumaba ang water level sa Angat.

 

 

Una nang nag-anunsiyo ang Maynilad na halos 600,000 customers nito ang makararanas ng siyam na oras na water interruption simula sa susunod na linggo dahil sa patuloy na pagbaba ng water level sa Angat dulot ng walang ulan na nararanasan sa may watershed ng dam.

 

 

Magsisimula ang water interruption ng 7:00 ng gabi hanggang 4:00 ng umaga araw-araw.

 

 

Wala namang mararanasang water interruption ang mga customer ng Manila Water.

 

 

Samantala, nasa 98.76 meters ang water level sa Ipo Dam sa Bulacan, 745.32 meters sa Ambuklao Dam sa Benguet habang nasa 236.85 meters ang water level sa San Roque Dam sa Pangasinan at Benguet.

 

 

Nasa 179.39 meters naman ang water level sa Pantabangan Dam sa Nueva Ecija habang ang Magat sa Ifugao at Isabela provinces ay nasa 164.81 meters.

 

 

Una nang naideklara ng PAGASA na pumasok na  ang El Niño sa Pilipinas na mararanasana hanggang unang quarter ng 2024. (Daris Jose)

Other News
  • PBBM, tinintahan ang Loss and Damage Fund Board Act

      TININTAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. upang maging ganap na batas ang Republic Act No. 12019, mas kilala bilang Loss and Damage Fund Board Act.     Ang bagong batas , nilagdaan ng Pangulo, araw ng Miyerkules, nagkakaloob ng ‘juridical personality at legal capacity’ sa Loss and Damage Fund Board, isang global finance […]

  • DILG ibinida 73.7% ‘pagbaba ng kriminalidad’ sa unang 5 taon ni Duterte

    KUNG paniniwalaan ang Department of the Interior and Local Government (DILG), “lagpas kalahati” ang naiawas sa crime rate ng Pilipinas simula nang umupo si Pangulong Rodrigo Duterte noong 2016 hanggang 2021.     Ito ang inilahad ni Interior Secretary Eduardo Año, Lunes, sa katatapos lang na talumpati ni Pangulong Rodrigo Duterte sa state media.   […]

  • Young Japanese officer ang role ni David: BARBIE, gaganap na vaudeville actress sa historical series na ‘Pulang Araw’

    NAGLABAS na rin ng kanyang saloobin si former Senator Tito Sotto at nagpa-interview na siya tungkol pagkadismaya niya sa kontrobersiyang nangyayari sa longest-running noontime show na “Eat Bulaga” na nasa 44th year na sila ngayon.       Isa nga rito ay ang usapin tungkol sa mga plano raw na pagbabago na gagawin sa show at ang […]