Gobyerno, naghahanda para sa epekto ng El Niño sa food security, inflation – NEDA
- Published on July 11, 2023
- by @peoplesbalita
TINIYAK ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa publiko na gumagawa na ng hakbang ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. para pagaanin ang posibleng negatibong epekto ng El Niño phenomenon sa bansa.
Sinabi ni NEDA Undersecretary Rosemarie Edillon, na ang epekto ng long-dry spell ngayong taon, partikular na sa inflation, ay hindi inaasahang magiging makabuluhan.
Gayunpaman, inaasahan naman na mangyayari ang matinding phenomenon sa simula ng 2024.
“Iyong brunt talaga ng El Niño we expect it to happen by beginning of next year of 2024 kaya lang iyong preparasyon para doon kailangan ngayon nagsisimula na,” ayon kay Edillon.
Tinukoy ni Edillon ang pagbabawas sa alokasyon para sa irrigation water pabor sa ‘residential use’ sa Angat Dam ay makatutulong na mapagaan ang epekto ng phenomenon.
“The planting season has already concluded, eliminating the need for irrigation water at this point,” ayon pa kay Edillon.
Winika pa nito na ang madalas na pag-ulan na nararanasan sa buong bansa ay dapat na samantalahin, gaya ng pabilisin ang pagkumpleto sa maliit na ‘impounding water projects.’
“So, again ngayong taon na ito hindi namin nakikita iyon. Kung impact for next year that really depends on how we’re able to prepare this year,” aniya pa rin.
Sinabi pa ni Edillon, nakikita ng pamahalaan na walang makabuluhang epekto ang El Niño sa ekonomiya at inflation ng bansa kung ang tama at napapanahon na paghahanda at contingency measures ay nasa tamang lugar. (Daris Jose)
-
Na-diagnose ng ADHD, dyslexia, PTSD at bipolar: KELVIN, naabuso noong bata pa at hindi makalimutan
PASABOG ang rebelasyon ni Kelvin Miranda sa guesting niya sa ‘Toni Talks’ ni Toni Gonzaga! Dito ay inihayag ni Kelvin ang tungkol sa mental health niya. Sinabi ni Kelvin na hindi niya dati inambisyon na maging artista pero sa murang edad ay pinasok niya ang showbiz dahil […]
-
LRT-Cavite Extension Phase 1 88% ng tapos
NAGTALA ng 88 porsiento completion ang Light Rail Transit Line 1 Cavite Extension Phase 1 matapos ang kalahating taon ng 2023 ng konstruksyon. Ito ay ayon sa pribadong operator ng LRT Line 1 na Light Rail Manila Corp. (LRMC) kung saan sinabi na optimistic sila na matatapos ang proyekto sa darating na fourth […]
-
Suporta sa panukalang DPWH district office sa BARMM
SUPORTADO ng isang Mindanaon solon ang panukala ni Pangulong Bongbong Marcos na bumuo ng isang district office para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao o BARMM para mapabilis ang pag-aayos ng mga nasirang daan at tulay dulot ng bagyong Paeng. Ayon kay Basilan Rep. Mujiv Hataman, napakaraming daan at tulay ang napinsala […]