Isa sa achievements sa aquatic adventure: MIGUEL, pinost ang impressive backflip video
- Published on July 11, 2023
- by @peoplesbalita
SA kanyang Instagram, pinost ni Miguel Tanfelix ang bagong achievement niya, ang mag-backflip.
Mapapanood ang impressive backflip video ng ‘Voltes V: Legacy’ star habang nagbabakasyon kasama ang kanyang co-star na si Ysabel Ortega at iba pa nilang kaibigan.
Isa lamang ang naturang achievement sa mga highlight ng aquatic adventure ni Miguel na sobra niyang ikinatuwa.
“Sharkboy,” caption ni Miguel, na gumaganap bilang si Steve Armstrong sa naturang series.
***
KAABANG-ABANG ang ikalimang anniversary special ng ‘Amazing Earth’, na lilibutin ang buong Pilipinas para patuloy na itampok ang mga nakamamanghang kuwento tungkol sa mga hayop at kalikasan.
Sinabi ng host nitong si Dingdong Dantes na iikutin ng programa mula Luzon hanggang Mindanao para sa kanilang three-part anniversary special.
“Sa Masbate ifi-feature namin ang Cave of Skulls doon, tapos ‘yung jellyfish swimming sa Surigao. Ifi-feature namin ang Snake Island sa Bicol, si Marco Puzon na inikot niya ang buong Pilipinas,” sabi ni Dingdong.
“Nandiyan din si Sofia (Pablo) tsaka si Allen (Ansay) na nag-clean up ng Pasig River,” sabi pa ng Kapuso Primetime King.
Pagkatapos ng anniversary special, itatampok ang pagbisita ng Kapuso environmental and informative program sa National Museum of Natural History.
Mapapanood na ang ‘Amazing Earth’ tuwing Biyernes simula Hulyo 14.
(RUEL J. MENDOZA)
-
‘After 10 years: Lakers back in Western Conference finals’
Inabot din ng isang dekada bago nakabalik sa Western Conference finals ang Los Angeles Lakers matapos ilampaso sa Game 5 ang Houston Rockets, 119-96 sa ginanap na laro sa Walt Disney World Complex sa Florida. Mala-halimaw ang pagdomina ng Lakers superstar LeBron James sa laro kung saan ipinoste ang 29 puntos, 11 rebounds at […]
-
Impeachment complaint laban kay VP Sara na inihain sa Kongreso: Walang kinalaman dito ang Office of the President – ES Bersamin
“THE Office of the President has nothing to do with it.” Ito ang naging tugon ng Malakanyang sa impeachment complaint na inihain ng ilang private citizens sa Mababang Kapulungan ng Kongreso. Ang katuwiran ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin, malinaw na ‘independent initiative’ na ng mga nagreklamo ang naging hakbang na ito […]
-
Loyzaga kumpiyansa sa Team PH
Kumpiyansa ang Philippine Amateur Baseball Association (PABA) sa pagsabak ng national men’s team sa darating na 14th East Asia Baseball Cup. Ito ay dahil na rin sa paggiya ni coach Vince Sagisi, naging scout ng 13 taon para sa Texas Rangers at Cleveland Guardians, sa mga Pinoy batters. “I believe we’ll […]