• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Bagong K-10 curriculum, ilulunsad sa mga susunod na linggo– DepEd

NAKATAKDANG ilunsad ng Department of Education (DepEd) ang  revised curriculum  para sa Kinder to Grade 10 (K to 10) sa mga susunod na linggo.

 

 

Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni DepEd spokesperson Undersecretary Michael Poa  na ang implementasyon ng “decongested” K to 10 curriculum ay sa  School Year 2024-2025.

 

 

“Sa K to 10 review, since tapos na tayo do’n, ang feedback ng experts natin ay highly congested kasi ‘yung current K to 10 natin. Ibig sabihin, napakaraming kailangan matutunan ng learners na learning competencies within a school year. Napakarami ring kailangan ituro ng mga guro within a school year, which makes mastery of these subjects very difficult,”  ayon kay Poa.

 

 

Para mapahusay pa aniya ang kalidad ng ‘basic education’ sa bansa, sinabi ni Poa na ang bagong curriculum ay mas nakatuon sa mga subject gaya ng matematika, agham, english, pagbabasa, at values formation.

 

 

Matatandaang, binuksan ng DepEd  ang  draft ng K to 10 curriculum para sa  public review noong Abril, kung saan ang mga eksperto,  miyembro ng akademya, at iba pang education stakeholders ay hinikayat na magbigay ng feedback sa “shaping papers at revised curriculum guides.”

 

 

“That’s why it took us time, we had to consider all the comments for the final tweaks. Now we’re done, we will be launching it in a few weeks time,” ayon pa rin kay Poa.

 

 

At para naman sa K to 12 curriculum,  sinabi nito na nagpapatuloy ang pagsusuri.

 

 

Nito lamang Mayo, nag-organisa ang DepEd  ng national task force  na masusing magrerebisa sa  implementasyon ng senior high school program.

 

 

“Ang promise ng K to 12 is that magiging employable ‘yung mga learners, pero we have to admit na hindi ‘yan nangyayari sa ngayon [the promise of K to 12 is that the learners will be employable, but we have to admit that that is not happening right now]. We are looking at ways to align that industry demands, to boost employability, attractiveness of our learners to be employed,” ayon kay Poa.

 

 

Nauna rito, sinabi naman ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte na ang K to 12 curriculum ay babaguhin sa layuning makapag-produce ng mas  “competent, job-ready, active, at responsible” graduates.  (Daris Jose)

Other News
  • Gerald Anderson, nabiktima ng ‘Basag-Kotse’ Gang

    NABIKTIMA ang aktor na si Gerald Anderson ng mga notor­yus na miyembro ng ‘Basag-Kotse gang’ matapos na atakihin ang kanyang sports utility vehicle (SUV) at tangayin ang kanyang mga bag na naglalaman ng kanyang mahahalagang gamit, habang nakaparada sa tapat ng isang gym sa Quezon City, kamakalawa.     Batay sa report ng National Bureau […]

  • Historic win: World’s No. 1 Ashleigh Barty kampeon sa women’s Australian Open

    NAGTALA ngayon ng kasaysayan ang world’s number one na si Ashleigh Barty matapos na bigyan niya ng korona ang Australia nang masungkit ang women’s singles title sa Australian Open sa loob ng dalawang sets laban kay Danielle Collins ng Amerika sa score na 6-3, 7-6(2).     Hindi binigo ni Barty ang kanyang mga kababayan […]

  • Experience ‘The Electric State’, a gripping adventure starring Millie Bobby Brown and Chris Pratt

    GET ready to be electrified! From the visionary directors of Avengers: Endgame comes The Electric State, a breathtaking adventure set in an alternate 1990s where the past and future collide. Starring Millie Bobby Brown, Chris Pratt, and Stanley Tucci, this retro-futuristic film debuts on Netflix March 14.     In The Electric State, humanity grapples […]