• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Dahil maraming umaasa at gustong matulungan: KAKAI, keber na kahit masabihan na mukhang pera

SOBRANG saya ang pa-surprise bonding ni Ms. Rhea Anicoche-Tan kasama ang SPEEd officers and members last Friday, July 7, na kung saan nagpa-set up siya ng bonggang dinner na pang-presscon ang dami ng foods and desserts.

 

 

Hindi lang ‘yun at may set-up din ng pang-acoustic na puwedeng makipag-jamming. Kaya naman, isang tawag lang ni Ms. Rei kina Kakai Bautista, DJ Jhai Ho at Thia Thomalla, na pawang available, ay sumugod agad sila Beautederm HQ sa Angeles, Pampanga, para makipag-bonding.

 

 

Napuno nga ng kantahan ang gabing ‘yun, na sinimulan ng CEO at President ng Beautederm, na pinamalas ang kanyang sweet voice.

 

 

Na sinundan ng mga members ng SPEEd at ni DJ Jhai.

 

 

Pagkarating na pagkarating ni Kakai mula sa Manila, na natrapik sa NLEX, ay sumalang agad ito sa pagkanta na naging mini-concert niya. Na ang ilang ay pawang hugot songs, na sobrang ganda ng kanyang renditions, kahit na mapanakit.

 

 

Natapos ang gabi sa masasayang kanta at nagka-indikan pa. Kaya naman, wish namin na maulit pa ang masayang bonding at magkaroon ng mas mahabang oras.

 

 

Anyway, hindi naman nakaligtas si Kakai na interview-hin, na kung saan una niyang sinagot ang patutsada sa kanya ng isang motivational speaker at social media personality, na hindi na nga raw siya maganda, ay mukha pa siyang pera.

 

 

Say ng komedyana at mang-aawit, “Mukha talaga akong pera. Sino bang hindi mukhang pera? Naku lahat ng tao mukhang pera. Dyusko hindi tayo makakakain kung wala tayong pera. Ano ‘to, ‘di ba?

 

 

“So, depende ‘yun sa tao kung hanggang saan ‘yung pagiging mukhang pera niya. Kung gagamitin niya ba ‘yun sa masama o mabuti. ‘Di ba mukha akong pera kasi maraming umaasa sa akin at marami akong gustong matulungan lalo na ‘yung family ko.

 

“Siyempre ‘di ba, uunahin natin ‘yung pamilya natin ‘di ba. Kapag marami kang pera, marami kang mapapasaya. Totoo ‘yan ‘di ba?”

 

 

Ibinalita rin ng biriterang mang-aawit na naibili na niya ng sariling bahay ang mga magulang sa Laguna, “Two years ago pa tapos ‘yung isang mala­king, good achievement ko this year is nakabili na rin ako for myself. Diyan lang sa tabi-tabi.

 

 

“So happy na ‘ko at least ‘di ba, inuna ko muna ‘yung family ko bago ako.”

 

 

Natanong din si Kakai kung nararamdaman ba niyang may kulang pa sa buhay niya ngayon.

 

 

“Ayan na naman tayo, eh. Wala. Punumpuno pa ako. Punumpuno ako. Masyado akong happy mag-isa ngayon,” depensa pa niya.

 

 

“Saka ang goal ko ngayon mapasaya ko ‘yung mga magulang ko saka ‘yung mga kapatid ko kasi gusto makapag-travel kami. So mukha akong pera. Magtatrabaho ako.

 

 

“Recently kasi first time kasing umalis ng Papa ko abroad kasi 70th birthday niya. So trineat ko sila ni Mama sa Hong Kong. First ever nila ‘yun. Business class ko sila tapos hindi naman bonggang hotel.

 

 

“Alam mo ‘yun para lang maranasan nila. Kasi ako travel ng travel eh ‘di ba ‘pag magulang natin gusto nila ‘yung oh birthday, ‘nak perahin mo na lang. Sabi ko this time, hindi, aalis tayo, Ma. Alis tayo, Pa.

 

 

‘Yung pinsan ko kasama ko. Apat lang kami so pinasyal ko lang talaga si Mama’t Papa sa Disneyland. Kasi ‘yung pinsan ko first time rin niya. So sabay ko lumaki ‘yung pinsan ko.

 

 

“Hindi pa siya nakakaalis ng bansa. So, first time niya umalis ng Pilipinas. So, nag-Disneyland kami, namasyal kami, kumain kami ng masarap kasi parang ako naman ‘yung travel nang travel dahil nga privilege ko ‘yun sa work ‘di ba.”

 

 

Isa si Kakai sa mga favorite Beautederm ambassador ni Ms. Rei dahil bukod sa mabait at magaling kumanta at mag-show lalo na kapag ka-tandem niya si DJ Jhai, ay napakasipag ding mag-promote.

 

‘Di tulad ng ibang ambassador na medyo tamad mag-social media at mag-promote kaya malamang hindi na sila ma-renew.

 

Bukod sa sikat na sikat na Beautederm line, ipinakilala na nga ni Ms. Rei ang bago niyang kumpanya na BlancPro, na kung saan si Kapuso Primetime Queen Marian Rivera ang official endorser.

 

Bagong player sa beauty industry, ang BlancPro ay sub-brand/affiliate ng Beautéderm at ito ay nag-o-offer ng epektibong skincare products pero sa mababang halaga.

 

“Marian Rivera has been a dear friend for many years. As the official endorser of Beautéderm Home, her effectiveness in representing the brand has been undeniable, leading my team and me to select her as the face of BlancPro.

 

“Marian embodies grace, confidence, and beauty,” ayon pa sa statement ni Ms. Rei na very positive na magiging successful din ang bagong kalalabas lang na skin line, na carry na maabot ng masa.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Robredo, balik Pinas matapos ang graduation ng anak sa US

    BALIK-Pinas na si Vice President Leni Robredo mula Estados Unidos kung saan dumalo siya sa graduation ng kanyang anak na si Jillian.     Si Robredo, kasama ang kanyang anak ay dumating sa Ninoy Aquino Terminal 1, alas-10:30 ng gabi, araw ng Sabado.     Nag-alok naman ang mga airport authorities ng courtesy assistance para […]

  • “MADAME WEB” SWINGS TO TOP OF PH BOX OFFICE – P10.4M GROSS BIGGEST FIRST DAY TAKE FOR 2024

    Filipinos love Madame Web!        Madame Web, the first superhero movie with a female lead in Sony’s Spider-Man Universe, is the #1 movie in the Philippines this week, scoring a record-breaking PHP 10,402,829 on its first day. With a Valentine’s Day debut in 326 screens nationwide, the film holds the biggest opening day […]

  • Pagtaas sa presyo ng langis, gawin ng “staggered basis”

    MULING nanawagan ang Department of Energy (DOE) sa mga local oil firms na maghanap ng paraan na magpapagaan sa sunud-sunod na pagtaas sa domestic pump prices na makagiginhawa sa epekto na tumama sa mga consumers.     Ayon kay DOE Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, hiniling ng departamento sa mga kimpanya ng […]