Construction worker kinatay ng kainuman sa Malabon
- Published on July 14, 2023
- by @peoplesbalita
NASAWI ang 45-anyos na construction worker matapos pagsasaksakin ng kanyang kalugar makaraang magkapikunan habang nag-iinuman sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.
Naisugod pa ng kanyang anak sa Ospital ng Malabon ang biktimang si Narciso Yureta, at residente ng Block 2, Kadima, Letre, Road, Brgy. Tonsuya subalit binawian din ng buhay habang nilalapatan ng lunas ang mga tinamong tama ng saksak sa iba’t ibang bahagi ng katawan.
Iniutos naman kaagad ni Malabon police chief P/Col. Amante Daro ang pagtugis sa suspek na si Erick Cabides, nasa hustong edad at residente rin sa naturang lugar na mabilis na tumakas makaraan ang pananaksak.
Lumabas sa imbestigasyon nina P/SSg Bengie Nalogoc at P/Cpl Marlon Renz Baniqued na nag-iinuman ang magkakapitbahay sa kanilang lugar sa Block 2 Kadima, Letre Road nang magkaroon ng kulitan hanggang magkapikunan umano ang biktima at ang suspek, dakong alas-11:30 ng gabi.
Naawat naman ng kanilang mga kainuman ang dalawa subalit habang nakatayo sa harap ng kanilang bahay si Yureta, bigla na lang siyang nilusob at pinagsasaksak ng suspek bago mabilis na tumakas sa hindi matukoy na direksyon.
Iginiit naman sa pulisya ng mga kaanak ng nasawi na walang kaaway o nakagalit sa kanilang lugar ang biktima kaya’t nagtataka sila kung bakit sa malupit na paraan idinaan ng suspek ang kanyang pagkapikon sa kanilang inuman.
Gayunan, sinabi ni Col. Daro sa panayam na nagsasagawa pa ng pagsisiyasat ang pulisya hinggil sa nangyaring krimen habang patuloy ang isinasagawang paghahanap sa tumakas na suspek. (Richard Mesa)
-
Programa sa sports para sa mga batang Navoteño, palalakasin ng Navotas
PUMASOK ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa isang kasunduan upang lalo pang palakasin ang kanilang mga programa sa sports, kasunod ng paglagda sa memorandum of understanding (MOU) ni Mayor John Rey Tiangco kasama ang Unibersidad ng Sto. Tomas (UST) para sa isang partnership na magtataguyod ng sports training para sa mga batang Navoteño. Si Dr. […]
-
Pinoy duo billiard players pasok na sa quarterfinals ng World Cup of Pool
Pasok na sa quarterfinals ng World Cup of Pool ang pambato ng bansa na sina Jeff De Luna at Roberto Gomez. Ito ay matapos na ma-upset nila ang nakalaban nila mula sa US sa second round ng torneo. Hawak ng US pair na sina Skyler Woodwar at Billy Thorpe ang 0-5 […]
-
School na ginawang quarantine facilities ‘di dapat maging evacuation centers
NAGPAALALA ang Department of Education na huwag gawing evacuation centers ang mga paaralang ginawang quarantine facilities. “There are still schools that are being used as evacuation centers. But ang regulasyon namin, dapat hindi haluin. Kung may quarantine center, dapat walang evacuation center,” saad ni Education Secretary Leonor Briones sa televised briefing. Hinikayat din […]