• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kapalit ng pagod at puyat sa mga showbiz projects: ALEXA, mahilig talaga sa alahas kaya nireregaluhan ang sarili

MAHILIG sa alahas si Alexa Ilacad kaya bagay siyang endorser ng Manila Diamond Studio na may bagong branch sa 5th Floor ng Edsa Shangri-La Plaza Mall sa Mandaluyong City.

 

 

Nireregaluhan raw ni Alexa ang kanyang sarili ng alahas kapalit ng pagod at puyat sa mga showbiz projects niya.

 

 

“Yes, actually! Kaya nga po ngayon nagtitingin-tingin din ako, kasi although nagte-taping pa kami, hindi ko pa siya deserve,” at tumawa ang magandang Kapamilya actress na malapit nang mapanood sa ‘Pira-Pirasong Paraiso’ ng ABS-CBN.

 

 

“Pero nagtitingin-tingin na po ako [ng mabibiling alahas], kasi…well that’s also a way to keep yourself inspired, you know, to keep that passion burning, kasi hindi puwedeng magastos lang tayo,” at tumawa si Alexa.

 

 

“Kailangan hardworking din para ma-sustain natin yung luho natin and yung mga wants natin, sabi nga ni Mimiyuuuh bawal daw ang tamad,” at muli itong natawa.

 

 

“So iyon po, kaya whenever I eye something I really know I have to work hard for it, kasi ayoko naman bili lang ng bili and I’m not able to save money, yun naman po ang pinaka-importante sa akin, yung makapag-ipon ako.”

 

 

Naka-focus siya sa goal niya na maglalabas siya ng pera para sa alahas dahil magandang investment ito.

 

 

“Opo, tsaka naglalabas lang po ako ng pera kapag alam kong investment piece nga po siya, hindi lang sa jewelry kundi sa ibang mga gamit, like also with bags. I don’t just buy any bag, I buy the classic pieces, na I know overtime e walang ibang ginawa kundi mag-price increase, so dun ako…lagi kong iniisip mabebenta ko ba ‘to if ever? Mapagkakakitaan ko kaya ‘to? Ganun po yung lagi kong iniisip.”

 

 

KASALUKUYANG napapanood si Christian Vasquez ng sabay sa dalawang teleserye, sa ‘Voltes V: Legacy’ ng GMA-7 at sa ‘The Iron Heart’ ng ABS-CBN.

 

 

Ano ang masasabi niya na napapanood siya sa rival stations sa bansa?

 

 

“Nakakatuwa, nakakatuwa. Yung feeling kasi na nakikita mo yung characters mo na magkaiba,” bulalas ni Christian.
Gumaganap si Christian sa ‘Voltes V: Legacy’ bilang Boazanian na si Zambojil at sa ‘The Iron Heart’ naman bilang si Orcus.

 

 

“So natutuwa ako… magkaiba sila, e. So parang as an actor na pakiramdam ko na nagagawa ko yung trabaho ko ng maayos.”

 

 

Una raw nag-taping si Christian para sa ‘Voltes V: Legacy’ at tapos na ang taping nila para sa top-trating sci-fi series ng Kapuso Network.

 

 

Ongoing pa raw ang taping ng ‘The Iron Heart’.

 

 

Samantala, gaganap bilang si dating Senador Manny Villar si Christian sa bagong pelikulang ‘Kuya: The Governor Edwin Jubahib Story’.

 

 

Isa itong biopic feature film na pagbibidahan ng award-winning actor na si Richard Quan at tungkol sa buhay ni Governor Edwin Jubahib ng Davao Del Norte at sa direksyon ni Francis “Jun”Posadas.

 

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Columbia Pictures to distribute GMA Pictures’ “Green Bones,” “KMJS’ Gabi ng Lagim: The Movie”

    MANILA, Philippines — GMA Pictures and Columbia Pictures have entered a landmark deal for the distribution of two upcoming films “Green Bones” and “KMJS’ Gabi ng Lagim: The Movie” in a contract signing held at the Columbia Pictures office in the Philippines on September 5. This marks the return of Columbia Pictures in distributing local […]

  • Batas na naglalayong gawing kriminal ang nagre-red-tagging, labis na nakababahala at mapanganib para sa bansa

    SINABI ng isang opisyal ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict na ang Senate bill na naglalayong parusahan ang red-tagging ay gagamitin lamang para patahimikin o busalan ang mga nagsisiwalat sa mga nagsisilbing legal fronts ng communist rebels.   Ayon kay NTF-ELCAC Spokesperson Undersecretary Lorraine Badoy na ang nasabing batas na naglalayong […]

  • Mag-lola todas sa sunog sa Caloocan, 9 pa sugatan

    NASAWI ang mag-lola habang siyam pa ang sugatan, kabilang ang apat na kaanak ng mga nasawi at limang bumbero, sa naganap na sunog sa Caloocan City, Lunes ng tanghali.     Dead-on-arrival sa Caloocan City Medical Center ang 21-anyos na estudyanteng si Layla habang wala na ring buhay ang kanyang 84-anyos na lolang si Aling […]