• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Miss na miss nang mag-shooting kasama sina Alden: SHARON, pinagpapahinga ng doctor at bawal munang magsalita

ILANG araw na ngang masama ang pakiramdam ni Megastar Sharon Cuneta kaya natigil muna siya pagsho-shooting ng pelikula nila ni Alden Richards, na pasok nga sa eight entries sa Metro Manila Film Festival 2023.

 

 

Sa Instagram post ni Sharon, pinagpapahinga nga siya ng doktor at hangga’t kaya ay bawal muna siyang magsalita.

 

 

Panimula ng post niya, “Went to my doctor in St. Luke’s BGC yesterday. She inserted a camera into my nose and mouth. Sobrang clogged daw ang ilong ko and my throat is so swollen and papunta nang infection kaya ang dami kong gamot ngayon.

 

 

“Nasanay na lang daw ako sa feeling ng barado ang ilong at masama ang lagay ng throat kaya di ko na narerealize pag ganon (!). Haaaay…Kasi init/ulan lagi sa shooting namin.”

 

 

Pagkukuwento pa niya, “Before my guesting sa e.a.t. TVJ, weird na ang throat ko at naapektuhan na at sinabi ko na sa shooting yon isang gabi. Kaya pala wala akong boses sa e.a.t. nung nirequest doon na kantahin ko bigla ang part ng “Bituing Walang Ningning…” Dapat pala hiningi ko magbalot ng boses!”

 

 

“Sinabi ng doc ko kailangan ko daw i-rest ang voice ko ng one week… Bukod daw sa fatigue, stress-induced daw. Kaya isang malaking “tenk yu” sa mga nagbibigay sa akin ng stress pinasa-Dios ko na kayo! May acid reflux pa ako susmaryosep…

 

 

“Haaaay naman miss na miss ko na ang set namin at mga kasama ko doon mula kay Direk Nuel @directfromncn hanggang kay @jackielou.blanco at siempre ang anak kong mahal na mahal ko at mahal na mahal ako! @aldenrichards02”

 

 

Bago ang naturang health update ni Sharon sa kanyang IG account, naibahagi niya ang screenshot ng pag-uusapan nila ni Alden, na sobrang nag-alala sa kanyang kalusugan.

 

 

Say ni Sharon na sobrang na-touch sa mensahe ng Kapuso actor, “Asked Alden if I could post this. Only because am so touched (and proud) of the way he loves his new Mama!

 

 

“He is really so sweet and mabait. What a blessing my Alden is to me and all of us on our set! I went to shooting the other day even if I woke up not feeling well, but after one scene with @jackielou.blanco and lunch, umuwi na ako kasi she and Direk Nuel didn’t want me na to push it at halos sign language na kami noon!

 

 

“Been resting and now hoping to see my doc tomorrow. I miss shooting and my “A Mother and Son’s Story” family so much! @aldenrichards02 @directfromncn.”

 

 

Ilan naman sa malalapit kay Sharon ang nagpahatid ng mensahe ng pagmamahal at panalangin ng mabilis na paggaling tulad nina Judy Ann Santos, Ara Mina, Vina Morales, Jackie Lou Blanco, Anthony Pangilinan, Beth Tamayo, Direk Nuel at marami pang iba.

 

 

Sa ngayon, kailangan talaga ni Mega na magpahinga ng bonggang-bongga at umiwas din sa stress.

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Malabon LGU, nakipagtulungan sa Cocolife para sa health insurance ng mga empleyado

    SA layunin nitong mapabuti ang mga programa sa pangangalaga sa kalusugan, nakipagtulungan si Mayor Jeannie Sandoval at ang Pamahalaang Lungsod ng Malabon sa Cocolife Insurance para magdagdag ng health insurance at mga benepisyo sa mga empleyado nito.     “Alam nating mahalaga na mapangalagaan natin ang ating kalusugan, lalo na ngayong pabago-bago ang panahon at […]

  • Paglalagay ng floating barriers ng Tsina sa Scarborough Shoal, kinondena

    MARIING  kinondena ni House Deputy Minority leader at ACT Teachers Partylist Rep. France Castro ang paglalagay ng Tsina ng mga floating barriers sa Scarborough Shoal na magsisilbing harang sa mga Pilipinong mangingisda sa kailang tradisyunal na fishing grounds.     Ayon sa mambabatas, ang hakbang ay isang malinaw na paglabag sa soberenya ng Pilipinas at […]

  • Kongreso idineklara si Marcos bilang ika-17 pangulo ng Pilipinas

    IDINEKLARA  na ng Kongreso sina Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Davao City Mayor Sara Dutertre-Carpio bilang panalo sa pagkapangulo at pagkabise sa nagdaang 2022 national elections.     Ito ang ginawa ng National Board of Canvassers, Miyerkules, matapos magtamo si Bongbong ng 31,629,783 boto, dahilan para siya ang maging ikalawang Marcos na maluluklok sa Malacañang. […]