Rehabilitation project sa NAIA, sisimulan na sa isang taon
- Published on July 20, 2023
- by @peoplesbalita
SISIMULAN na sa susunod na taon ang rehabilitasyon at pagkukumpuni sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).
Ito ang naging pahayag ni National Economic and Development Authority (NEDA) Secretary Arsenio Balisacan sa press briefing sa Malakanyang kasunod ng pag-apruba ni Pangulong Ferdinand R. Marcos na simulan na ang proyekto.
Sinabi ng Kalihim na aabot sa P170 bilyong piso ang gagastusin sa naturang proyekto na magpapataas sa bilang ng mga pasahero at magpapaganda sa air traffic movement.
Sa oras aniya na mayroon ng winning bidder ngayong taon ay masisimulan na ang proyekto sa 2024.
Target aniya sa rehabilitation sa NAIA ay ang makasabay ang Pilipinas sa iba pang mga bansa kung pag uusapan ay standards ng paliparan.
Inamin ni Balisacan na napag-iiwanan na ang Pilipinas ng mga kalapit-bansa nito gaya ng Singapore at Thailand dahilan para kagyat na simulan ang proyekto.
Samantala, maliban sa NAIA rehab, kabilang din sa inaprubahan ng NEDA board ang Samar Pacific Road Project at ekspansyon at maintenance ng Lagindingan Airport sa Misamis Oriental. (Daris Jose)
-
Muling gagawa ng history ‘pag siya ang top winner: TAYLOR SWIFT, pinakamaraming nominasyon sa ‘2023 MTV Video Music Awards’
DAPAT nang maghanda sa isang maaksyong hapon ang mga Dabawenyong basketball enthusiasts dahil pupunta ang GMA Masterclass: The Sports Series sa Davao City today August 12 kasama ang PBA legend na si Jerry “Defense Minister” Codiñera. Makakasama ni Jerry sa pagtuturo sa mga aspiring basketball players si Kurt Reyson ng Letran Knights. Thanks to GMA […]
-
Pinagbigyan na rin ang request ng followers: BEA, umamin na siya ang nag-initiate ng ‘first kiss’ nila ni DOMINIC
MAY pakilig si Bea Alonzo sa bagong upload niya sa kanyang YouTube account. Pinagbigyan na nito ang matagal nang nire-request sa kanya ng mga subscribers na interbyuhin si Dominic Roque. Mas seloso daw si Dominic sa kanilang dalawa. Pero ayon kay Bea, ang pinagseselosan daw ni Dom ay hindi tao o lalaki, kung […]
-
BIR, maglulunsad ng nationwide crackdown laban sa pagbenenta at paggamit ng pekeng PWD IDs
NAKATAKDANG maglunsad ang Bureau of Internal Revenue (BIR) ng national crackdown laban sa pagbebenta at paggamit ng pekeng person with disability (PWD) identification cards (IDs) dahil malinaw ang pagkalugi sa kita ng gobyerno mula sa tax evasion scheme na umaabot na sa halagang P88 billion. Sinabi ni BIR Commissioner Romeo Lumagui Jr. na […]