• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Nakikita na ang aktres ang makakatuluyan: MARCO, naramdaman na si CRISTINE ang ‘the right one’ para sa kanya

BUKOD sa panonood ng special screening ng “Minsan Pa Nating Hagkan Ang Nakaraan” na nagtatampok kina Cristine Reyes at Marco Gumabao, hindi mo maiwasang tingnan ang sweetness ng lead stars na umamin nang real couple na sila.

 

 

Na ayon kay Marco ay nagsimula na siyang ma-attract kay Cristine nang una silang magkasama sa “Tubig at Langis.” Humanga rin si Marco sa husay umarte ng aktres, at since then naging close na sila.

 

 

Sa pilot week ng serye ay may eksenang nag-propose si Marco kay Cristine, eh, uso ngayon ang sunud-sunod na marriage proposals ng mga stars, kaya natanong sila sa mediacon kung possible bang doon na rin sila patungo?

 

 

Nakangiting sagot ni Cristine, “ang aga!”

 

 

Pero ang sagot ni Marco, “Oo naman, of course, ako nakikita ko.  Hindi naman ako magsasayang ng oras kung hindi ko nakikita ang tao for the end game.”

 

 

Ilang taon na rin palang single si Marco kaya sa tingin niya ngayon pa lamang niya nakita ang the right one.

 

 

“Ilang beses na rin akong tinatanong kung bakit ayaw ko pang mag-girlfriend, ang sagot ko, hinihintay ko pa ang the right one para sa akin.  And I think and I feel it’s Cristine.”

 

 

Kaya maraming kinilig sa narinig nila from Marco, even ang co-star nilang si Cesar Montano.

 

 

Muling isasabuhay ng TV5 ang 80s classic love story na “Minsan Pa nating Hagkan ang Nakaraan” na pinagbidahan noon nina Vilma Santos, Christopher de Leon at Eddie Garcia.

 

 

Ang TV remake ay produced ng Sari Sari Network, Inc. in collaboration with VIVA Entertainment.  Dapat ay this Monday, July 24, ang pilot telecast nila, pero maggi-give way muna ang network sa Second SONA ni President Ferdinand R. Marcos, Jr. kaya sa Tuesday na, July 25 sila mapapanood at 4:40 PM sa TV5 at 8 PM sa SARI SARI Channel.

 

 

Available din ito sa Cignal TV, SatLite Ch. 3 at Cignal Play.

 

 

                                                            ***

 

 

MUKHANG tuluy-tuloy na ang pagbabalik-showbiz ni former Manila Mayor Isko Moreno, matapos siyang pumirma ng long-term exclusive contract sa Sparkle  GMA Talent Arm.

 

 

Ayon sa report ni Nelson Canlas sa “24 Oras,” sinabi ni Yorme na malaking bahagi ng buhay niya ay sa Kapuso Network at kay German Moreno, ang kanyang showbiz mentor.

 

 

Ipinarating naman ni GMA Chairman and CEO Atty. Felipe Gozon at Senior Vice-President Atty. Annette Gozon-Valdes ang kanilang special message kay Yorme: “Alam ng lahat na si Isko ay naging successful sa kanyang showbiz at public service careers, Yorme Isko is still young and we don’t know where his destiny will bring him.  Kaya Isko, whatever the future might bring, we wish you all the best and God speed.”

 

 

“Si Yorme ay isa sa mga tao na lumilingon sa pinanggalingan at may utang na loob.  Ganu’n yung pagkatao niya, and we’re very happy na nag-sign ulit siya sa GMA now as a Sparkle talent.”

 

 

Nagpasalamat din si Yorme sa mga sumusuporta sa kanila at sa mga co-hosts sa “Eat Bulaga,” nang tumaas ang rating nila sa noontime show.

 

 

“Salamat na hindi ninyo kami iniwanan at ginawa pa ninyo kaming number one sa puso ninyo.  Basta ang sukli namin sa inyo, ligaya at tulong para maging masaya ang inyong afternoon habang kayo ay nananghalian na kasama namin sa ‘Eat Bulaga’.”

 

 

                                                            *****

 

 

MATATAPOS na ang taping ni Asia’s MultiMedia Star Alden Richards ng apat na episdoes ng drama anthology na “Magpakailanman” hosted by Ms. Mel Tiangco, na ipalalabas sa apat na Saturdays ng August.

 

 

Matagal na rin pala ang huling pagganap ni Alden sa #MPK noon pang 2017 na gumanap siyang isang Marawi soldier.  Para sa first episode niya sa #MPK, si Sanya Lopez ang special guest niya.  Special request pala siya ni Alden dahil hindi pa raw niya nakakatrabaho ang aktres.

 

 

May isa palang role na gustong gampanan si Alden, ito ay i-portray ang katauhan ni Atty. Felipe Gozon, ang Chairman & CEO ng GMA Network.

(NORA V. CALDERON)

Other News
  • Kandidatura ni Quiboloy, pinapakansela

    PINAKAKANSELA ang Certificate of Candidacy (COC) ng nakakulong na si Pastor Apollo Quiboloy dahil sa material misrepresentation.     Sa 7 pahinang petisyon na inihain sa Commission on Elections (Comelec) ni Labor leader Sonny Matula at ng Workers’ and Peasants’ Party (WPP), ang nominasyon ni Quiboloy bilang kandidato ng WPP ay “walang katotohanan at legal […]

  • PARKE SA MAYNILA, PLANONG BUKSAN SA LAHAT NG EDAD

    PABOR ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang suhestiyon ng Department of Tourism (DOT) na buksan ang parke sa Maynila sa lahat ng edad, isang beses sa isang linggo para sa “Family Day”.     Sa naging panayam ni Manila Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso , sinabi ng alkalde na suportado nito ang domestic tourism lalo sa […]

  • Dinemanda ang netizen na tinawag siyang ‘baog’: ALEX, pinatawad na ang basher pero dapat maayos na mag-public apology

    TINANONG namin si Alex Gonzaga, sa launch niya bilang endorser ng Chef Ayb’s Paragis Tea and Capsule kung anong bashing ang nasaktan o naapektuhan siya.   “Hindi ako nasaktan personally. Pero tingin ko kailangang mag-stop yung kapag sinasabihan kang baog.”   “Sa gender, very sensitive na po tayo ngayon. Even sa body shaming. Pero bakit […]