• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Ibinahagi ang nakaka-touch na video ng proposal: DOMINIC, nangakong magiging pahinga ni BEA sa mundong magulo at maingay

NAG-PROPOSE nga si Dominic Roque sa girlfriend na si Bea Alonzo noong July 18 na naging talk of the town at nag-viral.

 

 

At sa kanyang Instagram post last Friday, July 21, isang araw after ng kanyang 33rd birthday, ibinahagi ni Dom ang heartwarming video ng kanyang proposal na may nakaka-touch na mensahe para sa kanyang soon-to-be wife.

 

 

May caption ang naturang video post ng, “Sino bang mag-aakala na yung crush ko lang noon na gustong-gusto kong tinititigan dahil sa sobrang ganda, hindi ko pa nga alam kung paano ako magpapakilala. Eh ngayon, parte na ng araw-araw ko. (smiling face with heart-eyes emoji).

 

“Indeed, God always has His perfect time for all of us. (red hot emoji)

 

 

Ikinuwento ni Dom ang halos apat na taon nilang pagsasama ni Bea bilang magkasintahan at kung bakit naging makabuluhan ang buhay niya, mula ng makilala ang aktres.

 

 

“It’s like finding myself in someone else. Nagbago ang pananaw ko sa mundo. In this crazy world we live in, I found my peace. You and me was the peace I was longing for all along,” bahagi ng seryosong mensahe ni Dom.

 

 

“Your love that’s giving. Your love that is pure. Your love that is perfect and that just the right amount of love that I need.”

 

 

Sobra naman nakaka-antig ng puso ang tila pangako ni Dom sa magandang Kapuso actress, “Ako ang magiging pahinga mo sa mundong magulo at maingay.

 

“At sa bawat segundo na nandito tayo sa mundo, lahat ng nandun ka, ‘yun ang mga pagkakataon na buung-buo ako.

 

 

“Sa taglay mong ganda at mapupungay mong mga mata. Akalain mo yun? Napansin mo ang katulad ko.”

 

 

“Dinala ako ng Diyos sa isang taong grabe ang pagmamahal sa pamilya at sa respeto sa mga taong nakakasama niya.

 

Buung-buo ngang nasaksihan ng buong mundo ng proposal na ginawa ni Dom na napaluha agad ni Bea, nang lumuhod sa harapan niya ang boyfriend at ilabas ang small red box.

 

 

At nakapagsalita pa ito ng, “No way?” at “Oh my god are you kidding me?”

 

 

After ng speech ni Dom, binigkas na nga niyang ang magic word na, “Will you marry me?” na kung saan halatang teary-eyed na ang aktor.

 

 

Ilang ulit na naghalikan at nagyakapan bago isinuot ni Dom ang magarang singsing sa daliri ni Bea, at napaluha na siya sa tuwa.

 

 

Nagsigawan ang mga tao sa paligid, kasama ang mommy at pamilya ni Bea, na masayang-masaya sa naganap na ‘di inaasahang proposal.

 

 

Ibinahagi rin ni Bea ang close-up ng kanyang napakagandang engagement ring.

 

 

Samantala sa mismong kaarawan ni Dom na kung saan nag-post siya ng solo photo kasama ang simple caption na ’33’ at red baloon.

 

 

Ang sweet naman ng naging comment ng mapapangasawa, “pano ba yan, lahat na ng birthdays mo, magkasama na tayo (smiling face with 3 hearts and red heart emoji).”

 

 

Marami nga ang na-touch at naiyak sa wedding proposal ni Dominic, na hindi nga pakakawalan pa si Bea, na kung saan noong August 2021 lang nila kinumpirma ang kanilang relasyon.

 

 

Congrats Bea and Dom!

 

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Bulacan, ipakikilala ang kauna-unahang Singkaban Festival Digital Kings at Queens

    LUNGSOD NG MALOLOS – Ipakikilala ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa pamamagitan ng Provincial History, Arts, Culture and Tourism Office ang kauna-unahang mga kandidato para sa Singkaban Festival Digital King and Queen na maglalaban-laban para sa nasabing titulo sa Setyembre 11, 2021, 3:00 N.H. sa pamamagitan ng Google Meet.     Ayon kay Dr. Eliseo S. Dela […]

  • Gobyerno, naghahagilap pa ng mapagkukunan ng pondo

    HINAHANAPAN pa ng gobyerno ng source of funding ang posibleng panibagong cash assistance na ipagkakaloob sa mga lugar na nasa ilalim ng Modified Enhanced Community Quarantine o MECQ.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, batay sa naging pahayag ni Finance Sec. Sonny Dominguez, humahanap pa sila ng potensyal na mapagkukunan ng pondo upang hindi […]

  • Gilas 3×3 nagsimula ng training sa Calamba bubbles

    Nagsimula ang Gilas Pilipinas 3×3 team ng kanilang training sa Calamba bubble bilang paghahanda sa Olympic Qualifying Tournament.     Matapos ang kanilang RT-PCR Test ay tumuloy na ang 6-man national team sa kanilang ensayo sa Inspire Sports Academy.     Aabot sa walong araw ang mga ito sa bubble bago umalis patungong Graz, Austria […]