• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Halos 4M kabataan, nakinabang sa nagpapatuloy na feeding program ng pamahalaan – DSWD

UMABOT na sa halos apat na milyong mga kabataang ang nakinabang sa nagpapatuloy na supplementary feeding program ng pamahalaan.

 

 

Ito ay simula ilunsad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang nasabing programa mula 2021 hanggang nitong Hunyo-30 ng taong kasalukuyan.

 

 

Ayon sa DSWD Secretary Rex Gatchalian, ang pagpapatuloy ng nasabing programa ay isa sa mga pangunahing kautusan ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.

 

 

Bahagi nito ay ang pagbibigay ng mga masusustansiyang pagkain sa mga kabataan na naka-enroll sa mga Day Care Centers at mga Supervised Neighborhood Play.

 

 

Ayon pa sa Kalihim, makakatulong ang supplemental feeding para mapababa ang bilang ng mga batang kabilang sa malnurished groups, at matiyak ang kalusugan ng mga ito.

 

 

Kasama ng DSWD ang mga lokal na pamahalaan sa pagpapatupad ng nasabing programa. (Daris Jose)

Other News
  • First Filipino na nakakuha ng Oscar nomination… Hairstylist ni LADY GAGA na si FREDERIC, nominated para sa ‘House of Gucci’

    ANG Filipino-Vietnamese hairstylist ni Lady Gaga na si Frederic Aspiras ay nakakuha ng Oscar nomination para sa pelikulang House of Gucci.      Nominated siya sa category na Best Makeup and Hairstyling.     Ayon kay Frederic, hindi raw niya ini-expect na makakuha siya ng nomination: “Having so much rejection in this type of job, […]

  • Actuarial life ng PhilHealth 1 taon na lang – opisyal

    Mula sa mahigit 10 taon, isang taon na lamang ang actuarial life ng Philippine Health Insurance Corporation (Philhealth).   Ito ang inamin ni Philhealth Senior Vice President for Data Protection Office Nerissa Santiago sa pag-arangkada ng pagdinig ng Senate committee of the whole kahapon.   Ayon kay Santiago, posibleng hindi na sila makapagbigay ng benepisyo […]

  • PBBM, tinitingnan ang Japanese investments sa Philippine agriculture

    TINITINGNAN ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pakikipag-usap sa Japanese o Hapones hinggil sa investments sa  agricultural sector sa Pilipinas at sa agricultural products nito na pumapasok sa Japanese market.     Binanggit ito ni Pangulong Marcos  habang sakay  ng PR001 patungo sa kanyang official visit sa Japan.     “Number one, that opens up […]