• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Quezon City at DTI kapit-bisig sa pagpapabilis sa proseso ng business permit

LUMAGDA sa isang memorandum of agreement ang  Quezon City government at Department of Trade and Industry (DTI) upang maisama ang Business Name Registration System (BNRS) ng DTI sa QC’s Online Business Permit Application System (OBPAS) para sa mas mabilis na proseso ng business permit sa lungsod.

 

 

Ang kasunduan para sa integration ay nilag­daan nina Quezon City Mayor Joy Belmonte at Trade Secretary Alfredo Pascual na may malaking tulong para higit na mapadali ang pagproseso ng mga negosyo, agad makita ang mga pinekeng submission ng mga requirements at epektibong masubaybayan ang compliance ng mga QC-based businesses.

 

 

“Since one of the requirements for processing the business permits of sole proprietors is the certificate of business name registration (CBNR) from DTI, we need to ensure compliance. Instead of manually verifying the authenticity of CBNRs, the integration will allow digital processing of data and documents thereby speeding up the process,” pahayag ni Belmonte

 

 

Batay sa rekord ng DTI, tumaas ng mula 35 percent sa 75 percent ang business name applications base sa payment collections na natanggap mula nang mailunsad ang BNRS Next Gen noong 2019, habang ang Quezon City ay may mahigit  65,000 businesses na halos kalahati nito ay rehistrado sa CTI.

 

 

 

Samantala, nakipagkasundo rin si Mayor Belmonte sa 142 barangays ng QC para sa  integration ng barangay clearance at barangay business permit fees sa OBPAS.

 

 

Sa pamamagitan ng integration ng barangay business permit fees at clearances application, ang QC LGU ay awtomatikong kokolekta ng bayarin na magpapataas sa revenues ng mga barangay.

 

 

Tiniyak ni Belmonte na sa pamamagitan ng dalawang kasunduan ay may malaking tulong ito na magkaroon ng pagbabago sa entrepreneurial landscape at magkaroon ng isang culture of innovation, competitiveness, at economic prosperity sa QC. (Daris Jose)

Other News
  • Ryan Reynolds, Reveals Behind-The-Scenes Images Wearing His ‘Deadpool’ Suit Again

    RYAN Reynolds reveals behind-the-scenes images of himself wearing the Deadpool suit.     It’s been a few years since the actor last reprised his comic book role via David Leitch‘s Deadpool 2 from 2018. Since then, a lot has already happened, including the character now confirmed to be under Marvel Studios, with Deadpool 3 currently in the works.     In the meantime, the actor has […]

  • Nakaranas nang matinding ‘himala’ mula sa Panginoon: AICELLE, dalawang Santos ang makakalaban sa pagka-Best Actress

    “ANG himala po sa buhay ko na lagi kong ikinukuwento sa mga kakilala o hindi ay mirakulo ng pagpapagaling ng Panginoon sa aking pamilya,” pagbabahagi ni Aicelle Santos na gumaganap na Elsa sa ‘Isang Himala’.     “Meron akong kapatid, 21 years old, isa na siyang cancer survivor. Siya po ay pinagaling ni Lord from […]

  • BARBIE, na-overwhelmed sa mga pasabog na sorpresa ni DIEGO

    SANA nga ay nahanap na nina Barbie Imperial at Diego Loyzaga ang para sa isa’t-isa.    Parehong may mga pinagdaanan and in fact, ilan sa mga netizens ang natatakot na sila ngayon ang magka-relasyon.   May negatibong imahe na si Barbie dahil na rin sa mga ganap ng past relationships niya. Si Diego naman, ang pagiging […]