• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, binalaan ang mga smuggler at hoarder

BILANG na ang mga araw ng mga smuggler at hoarder na ‘yan.” 
Ito ang binitiwang pangako ni  Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa kanyang pangalawang State Of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa, Lungsod ng Quezon.
Iginiit nito na hahabulin at ihahabla ng gobyerno ang mga agricultural smugglers at hoarders.
Para sa Pangulo, mga manloloko at mandaraya ang mga ito na nagsasamantala sa mga magsasaka at consumers.
Tinalakay kasi ng Pangulo sa kanyang SONA ang paksa ukol sa smuggling, alamin ang mga dahilan ng pagtaas ng  presyo ng mga pangunahing bilihin at goods.
“Isa sa mga dahilan ng pagtaas ng presyo ay ang mga smuggler, mga hoarder, at mga nagmamanipula ng presyo ng produktong agrikultura,” ayon sa Punong Ehekutibo.
“Hinahabol at ihahabla natin sila. Sadyang hindi maganda ang kanilang gawain at hindi rin ito tugma sa ating magandang layunin,” anito.
“Pandaraya ang kanilang ginagawa. Napapahamak, hindi lamang ang mga magsasaka, kundi tayo rin na mamimili, kaya hindi natin papayagan ang ganitong kalakaran,” giit ng Pangulo. (Daris Jose)
Other News
  • Fil-Am actor Jacob Batalon has a special greeting for Pinoys as he invites fans to watch the new thriller “Tarot”

    Filipino-American Jacob Batalon (Spider-Man: Homecoming, Spider-Man: Far From Home, Spider-Man: No Way Home) delves into horror as he tries to escape his deadly fate in Tarot. In anticipation of the frightening new film, Batalon invites fans in the Philippines to see Tarot as it haunts Philippine cinemas on May 1. Watch Jacob’s shout out here: […]

  • DOUBLE GOLD KAY CARLOS YULO SA 2024 PARIS OLYMPICS

    MULING nakasungkit ng gintong medalya si Pinoy gymnast Carlos Yulo sa vault final ng Paris Olympics 2024. Nangibabaw si Yulo sa mga nakaharap nito kung saan mayroong nakuhang 15.433 points mula sa unang vault jump niya at 14.800 naman mula sa ikalawang jump. Nagtala si Yulo ng kasaysayan dahil siya lamang ang atletang Pilipino na […]

  • 1K miyembro ng TODA, tumanggap ng ayuda mula sa Quezon City LGU

    UMAABOT sa 1,000 miyembro ng Tricycle Operators at Drivers Association  mula sa ika-6 na distrito ng Quezon City ang tumanggap na ng kani-kanilang mga Fuel Subsidy Fleet Card mula sa lokal na pamahalaan.     Ang bawat fleet card ay may lamang P1,000 na maaari nilang magamit sa pagpapa-karga ng gasolina sa anumang branch ng […]