• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Kamara tutulong sa giyera ni PBBM laban sa smuggling, hoarding ng agri products

TUTULONG ang Kamara sa giyera ni Pangulong Marcos laban sa smuggling at hoarding ng bigas at iba pang produktong agrikultural.

 

 

Ito ang sinabi ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez isang araw matapos ang ikalawang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Marcos.

 

 

“We share the President’s anger and frustration with smuggling, hoarding and price manipulation. We will redouble our efforts to stop the smuggling and hoarding of rice, sugar, onions, garlic, and vegetables, which harms our farmers’ competitiveness and disrupts the agricultural value chain,” ani Speaker Romualdez, lider ng Kamara na mayroong 312 miyembro.

 

 

“Kami sa Kongreso ay tutulong sa Pangulo para mapigilan ang pagtaas ng presyo ng mga pangunahing bilihin. Lahat ng kaya naming gawin ay ibubuhos namin sa misyong ito,” sabi pa ni Speaker Romualdez.

 

 

Inulit din ng lider ng Kamara ang sinabi ng Pangulo na bilang na ang araw ng mga smuggler, hoarder, at price manipulator.

 

 

Binanggit rin ni Romualdez ang pahayag ng Pangulo na umuunlad na ang sektor ng agrikultura.

 

 

Nangako rin ang Speaker na babantayan nito ang presyo ng mga produkto.

 

 

“We will continually check on prices, especially of staples like rice, vegetables, meat, onions, and garlic, to protect our people from hoarding, price manipulation, unreasonable price increases, and other practices in restraint of trade that hamper competition,” sabi ni  Romualdez.

 

 

Nanawagan naman si Speaker sa mga departamento at ahensiya ng gobyerno na tulungan ang mga magsasaka upang makakuha ng mga bagong teknolohiya at kagamitan ang mga magsasaka

 

 

Nauna rito ay nagsagawa ng imbestigasyon ang House Committee on Agriculture and Food kaugnay ng biglaang pagtaas ng presyo ng sibuyas na umabot sa P600 kada kilo sa huling bahagi ng 2022.

 

 

Nakakuha ang komite ng mga ebidensya na mayroong kartel na nasa likod ng pagtaas ng presyo.

 

 

Sa kanyang SONA, ipinahayag ni Pangulong Marcos ang kanyang galit sa mga smuggler at hoarder.  (Ara Romero)

Other News
  • Ads September 6, 2021

  • ‘Di totoong naghahanap pa ng talents para sa serye: ‘Lolong’ ni RURU, tapos na ang lock-in taping at mapapanood na sa Lunes

    NAGLABAS ng isang paglilinaw ang production group ng adventure serye na “Lolong.”     “Huwag maniniwala sa mga kumakalat na imbitasyon na naghahanap ng mga talents o extras para sa diumano’y shooting kung saan makakasama nila ang “Lolong” lead actors na sina Ruru Madrid at Paul Salas.      “Natapos na po ang lock-in taping ng programa at […]

  • QC Mayor Belmonte muling nagpositibo sa COVID-19

    Nagpositibo sa ikalawang pagkakataon si Quezon City Mayor Joy Belmonte.     Sinabi nito na nakaranas siya ng mild symptoms at kasalukuyang naka-quarantine sa isang pasilidad ng lungsod.     Dagdag pa nito na hindi niya akalain na magpositibo siya ulit matapos ang walong buwan ng unang nagpositibo sa nasabig virus.     Tiniyak naman […]