Nahulog sa kama at nabagok: Sikat na impersonator na si WILLIE, pumanaw na
- Published on July 27, 2023
- by @peoplesbalita
PUMANAW na ang impersonator, satirist, and comedian na si Willie Nepomuceno sa edad na 75.
Sa Facebook in-announce ang pagpanaw ni Willie Nep.
“To our family, loved ones, and friends, it is with deep sadness and heavy heart to announce the passing of our beloved father, WILLIE NEPOMUCENO on July 26, 2023, at the age of 75. He has peacefully joined our creator.”
Ang anak ni Willie na si Willie Wilsson Nepomuceno ang nagkuwento sa pag-rush nila sa kanyang ama sa emergency room ng Marikina Valley Medical Center noong Monday morning pagkatapos nitong mahulog sa kama at tumama ang ulo sa sahig.
“CT Scan showed he had subdural hematoma. On that same day, he underwent craniotomy to evacuate the hematoma and relieve pressure to his brain.
Following the surgery, his vital signs became stable but he was still in comatose.
“The following day, his vitals deteriorated and another CT scan showed recurrence of hematoma and new sites of bleeding. By Tuesday afternoon, he was presumed brain dead and was put on a respirator. By 8 p.m., his vitals dwindled further,” ayon kay Willie Wilsson.
Nagpaalam si Willie Wilsson sa kanyang ama via Facebook.
“Farewell, Tatay. Though it’s incredibly hard to say goodbye, I am grateful for the time we had together. Your love, guidance, and presence in my life have shaped me into the person I am today. Your legacy will forever be engraved in my heart. Rest well, knowing that you are deeply loved and missed.”
Naging pillar of Philippine entertainment si Willie Nep ng higit sa apat na dekada. Nakilala ito bilang singer, stand-up comedian at stage performer hanggang sumikat siya sa pag-impersonate ng maraming sikat na celebrities at ng mga political personalities.
Nagkaroon siya ng sariling comedy show na Ispup noong 2002 sa ABC-5 at naging bahagi rin siya ng noontime show na It’s Showtime noong maging judge ito sa celebrity look-alike contest.
May sariling YouTube channel si Willie Nep kunsaan pinapakita niya ang pag-transform niya sa mga sikat na celebrities tulad ni Dolphy, Fernando Poe, Jr., Manny Pacquiao, at sa mga presidente na sina Erap Estrada, Noynoy Aquino, Rodrigo Duterte, and Ferdinand Marcos Sr.
-
PDu30, pinuri si Dizon sa pagtatayo ng nat’l sports academy
PINURI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Bases Conversion and Development Authority (BCDA) president at chief executive officer Vivencio Dizon dahil sa nagpapatuloy na konstruksyon ng National Academy of Sports (NAS) sa New Clark City sa Tarlac. Sa kanyang Talk to the People, Miyerkules ng gabi, si Dizon ayon sa Pangulo ay matatandaan ng […]
-
PBBM, ikakasa ang Digital Media Literacy drive kontra fake news
MAGPAPATUPAD ang administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Digital Media Literacy campaign ngayong taon. Layon nito na makapagbigay sa “most vulnerable communities” ng kasanayan at kasangkapan habang inuunawa ang katotohanan. Ito ang sinabi ni Presidential Communications Office (PCO) Undersecretary Cherbett Karen Maralit sa ipinalabas na kalatas habang isinasagawa ang CyberSafe Against Fake News: […]
-
PH ADULT-ANIMATED FILM ‘HAYOP KA! THE NIMFA DIMAANO STORY’ PREMIERES OCTOBER 29 ON NETFLIX
NETFLIX released the first look for Hayop Ka! The Nimfa Dimaano Story. The adultanimation film from the Philippines star- ring Angelica Panganiban, Sam Milby, and Robin Padilla is set to premiere on October 29, 2020 at 12:01 am. Directed by Avid Liongoren, written by Manny Angeles and Paulle Olivenza, Hayop Ka! The Nimfa Dimaano […]