• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MMDA nilunsad ang P300 M na command center

NAGKAROON ng inagurasyon noong nakaraang linggo ang pinakabago at epektibong command at communications center ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) sa bansa na siyang magiging “nerve center” sa mga pangunahing lansangan sa Metro Manila.

 

 

 

Nagkakahalaga ng P300 million ang nasabing command center ng MMDA ayon kay MMDA chairman Don Artes.

 

 

 

“Through the command center, the MMDA can monitor the activities around Metro Manila captured by 403 high-tech CCTV cameras and body cameras worn by traffic enforcers. These CCTV cameras are located across major thoroughfares, pumping stations, waterways, and the Manila Baywalk Dolomite Beach,” wika ni Artes.

 

 

 

May ilalagay din and MMDA na 166 CCTV cameras na may analytics power sa kahabaan ng EDSA Bus Carousel Route.

 

 

 

Ang command center ay may nakalagay din na operations center, data center, situation room, viewing gallery, media room at power room.

 

 

 

Dahil sa makabagong tecknologiya na nakalagay, ang MMDA ay maaari rin magkaron ng remote control sa mga traffic lights sa pamamagitan ng command center na may Intelligent Traffic Signalization System. Ang CCTV cameras at Intelligent Transport System ay konektado sa command center sa pamamagitan ng 899 kilometers fiber optic network across Metro Manila. Ang nasabing network ay siyang pinakamalaking fiber optic na pag-aari ng pamahalaan sa National Capital Region.

 

 

 

“There are 105 kilometers of fiber optic cable that are still being installed. The agency also plans to lay down 45 kilometers of fiber optic to connect 17 local governments in Metro Manila to the command center,” saad ni Artes.

 

 

 

Dagdag pa ni Artes na kapag may mga emergencies, ang MMDA ay makakaasa sa kanilang Hyetera Radio Smart Dispatch System na isang soft-ware na may built-in global positioning system at smart map upang malaman ng mga traffic enforcers ang real time. Ang system ay maaari rin gamitin upang ang mga traffic enforcers ay makapag usap sa isat’ isa.

 

 

 

May plano rin ang MMDA na magkaron ng artificial intelligence sa MMDA’s traffic enforcement at management. Sa pamamagitan ng AI, ang mga license plates ay makukuha habang ang facial recognition at behavioral analytic na makukuha rin ay gagamitin naman ng Department of the Interior and Local Government (DILG) para sa crime prevention at resolution.

 

 

Kamakailan lamang ang MMDA ay bumili ng 120 body cameras at hand-held ticketing cameras devices para sa implementation ng single-ticketing system. LASACMAR

Other News
  • ‘Sunkissed Lola’ may panalong collab sa Puregold, kinagiliwan ng tagahanga

    MAINGAY sa social media ngayon dahil sa spekulasyon na magkakaroon ng kolaborasyon ang Puregold sa pinakamalalaking pangalan sa lokal na industriya ng musika.     Nagsimula ang pag-iingay na ito pagkatapos maglabas ang Puregold ng kanilang social media ng dalawang teaser post noong Abril 12, na nagpapatikim ng isang anunsyo kasama ang mga malalaking Pinoy […]

  • Jim Carrey Returns for Dr. Robotnik’s Revenge in ‘Sonic the Hedgehog 2’

    SONIC’S archenemy is back!     For Jim Carrey, the role of Dr. Robotnik in Paramount Pictures’ comedy adventure sequel Sonic the Hedgehog 2 provided the opportunity to return to his legendary film comedy roots.     He says, “Robotnik hit the absurd energy that people really love – and the vibe of films like Ace Ventura: Pet […]

  • MAHIGIT 100 POLICE TRAINEE, IDIDEPLOY NG MPD

    MAHIGIT na  100  na police trainee ang idineploy ngayon sa Manila Police District (MPD)  bilang bahagi ng kanilang aktwal na pagsasanay.     Ayon sa MPD, umaabot sa 108 na police trainee mula sa National Capital Region Police Office (NCRPO) ang ipapakalat ng MPD sa lahat ng 14 na police station nila sa lungsod.   […]