• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

108 lugar sa bansa nasa ilalim ng state of calamity

UMAABOT  na sa 108 na lugar sa anim na rehiyon sa Luzon ang nasa ilalim ng state of cala­mity bunsod ng nagdaang bagyong ‘Egay’ at hanging habagat.

 

 

Nabatid sa National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na nasa 2,452,738 katao o 668,974 na pamilya sa 4,164 na barangays ang apektado sa Ilocos Region, Caga­yan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Mimaropa, Bicol Region.

 

 

Gayundin sa Western Visayas, Northern Mindanao, Davao Region, SOCCSKSARGEN, Bangsamoro Autonomous Region, Cordillera Admi­nistrative Region (CAR) at National Capital Region (NCR).

 

 

Pansamantalang su­misilong ang 13,718 pamil­ya o 50,467 indibidwal sa 736 evacuation centers.

 

 

Samantala, nananatili sa 25 ang naiulat na nasawi habang 52 ang sugatan.

 

 

Nasa 2.4 milyong Pilipino na sa buong bansa ang naapektuhan ng super typhoon Egay at ng habagat, kung saan libu-libo pa rin ang nasa evacuation centers.

 

 

Sinabi ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na 668,974 pamilya o 2,452,738 katao ang naapektuhan ng ika-5 bagyo sa bansa ngayong taon.

 

 

Sa nasabing bilang, halos 14,000 pamilya o mahigit 50,000 indibidwal ang nasa loob pa rin ng 736 evacuation centers, karamihan sa Central Luzon at Ilocos Region.

 

 

Nananatili sa 25 ang bilang ng mga nasawi dahil sa nagdaang bagyong Egay, na may 2 kumpirmadong namatay at 23 pa rin ang sumasailalim sa validation.

 

 

Karamihan sa mga naiulat na namatay ay nasa Cordillera Administrative Region (CAR) na may 12, kasunod ang Ilocos Region na may 8.

 

 

Hindi bababa sa 52 katao ang nasugatan habang 13 ang nanatiling nawawala. (Daris Jose)

Other News
  • Tinupad ang pangakong ‘di iiwan ang ABS–CBN: KATHRYN, naging emosyonal sa pagpirma ng bagong kontrata

    MAY mga negatibong reaksiyon ang nga netizen sa napanood nilang trailer ng “Ikaw Pa Rin Ang Pipiliin Ko” na pinagbibidahan nina Aga Muhlach at Julia Barretto.   Kung may mga kinilig pero higit na nakararami ang hindi sang-ayon sa “love angle” ng mga roles na ginampanan nila.   Malaking agwat ng edad ng dalawang bida […]

  • PDu30, tatakbong senador sa 2022 elections

    TULOY na ang pagsabak ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagka-senador sa 2022 national at local elections.   Sa katunayan, naghain na si Pangulong Duterte ng kanyang certificate of candidacy para tumakbo sa pagka-senador Eleksyon 2022.   Kinumpirma ni Senador Bong Go ang paghahain ng certificate of candidacy ng Pangulo sa Commission on Elections’ headquarters […]

  • Tulak debdol sa drug buy-bust sa Malabon

    Isang hinihinalang drug pusher ang namatay matapos makipagbarilan sa mga pulis na nagsagawa ng buy bust operation laban sa kanya sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.     Kinilala ni Malabon police chief Col. Joel Villanueva ang namatay na suspek si Arnel Rabot, 23 ng No. 21 Interior, Brgy. Potrero.     Ayon kay Col. […]