DOTr: Humihingi ng P164 B pondo para sa proyekto sa railways
- Published on August 5, 2023
- by @peoplesbalita
Humihingi ang Department of Transportation (DOTr) sa Mababang Kapulungan ng pamahalaan ng pondong nagkakahalaga ng P164 billion para sa construction at maintenance ng pitong (7) rail lines sa Metro Manila sa taong 2024.
Nakalagay sa 2024 National Expenditure Program ng pamahalaan, ang DOTr ay humihing sa Mababang Kapulungan ng kabuohang budget na P187.21 billion na gagamitin sa mga proyekto at programa na gagawin sa susunod na taon.
Ang pinakamalaking pondo na nagkakahalaga ng P163.74 billion ay gagamitin sa programa sa rail transport upang mapadali ang takbo ng civil at rehabilitation works ng mga rail lines.
Sa proyektong North-South Commuter Railway (NSCR), ito ay makatatangap ng P76.34 billion sa 2024 kung saan ang DOTr ay nagsisikap na matapos ang proyekto ayon sa target na 2028. Ang DOTr ay gagastos ng P53.26 billion para lamang sa procurement ng right-of-way (ROW).
Ito ay bibigyan din ng pondo mula sa Japan na nagakakahalaga ng P873.62 billion. Ang NSCR ay dadaan sa tatlong (3) rehiyon ng Central Luzon, Metro Manila at Southern Tagalog, galing sa New Clark City sa Pampanga hanggang Calamba, Laguna.
Sa taong 2024, ang Metro Manila Subway Project (MMSP) ay bibigyan ng alokasyon na nagkakahalaga ng P68.37 billion kung saan naman ang pamahalaan ay magbabayad ng P21.68 billion para sa ROW at tax expenses.
“Set to become the first underground rail in the Philippines, the MMSP will extend for around 33 kilometers across seven cities in Metro Manila and will cut travel time between Quezon City and the Ninoy Aquino International Airport to 35 minutes,” wika ng DOTr.
Habang ang Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) ay bibigyan naman ng alokasyon na nagkakahalaga ng P10.29 billion na gagamitin sa maintenance at rehabilitation kasama na rin ang equity rental sa groupo ng Sobrepena led na Metro Rail Transit Corp. (MRTC).
Ang DOTr ay nagbabayad ng monthly fee mula P600 million hanggang P900 million sa MRTC bilang kabahagi ng fare collection mula sa operasyon ng MRT 3. Matatapos ang pagbabayad ng yearly equity sa MRTC sa pagtatapos ng build-lease-transfer contract sa taong 2025.
Maliban dito, ang DOTr ay gagamit din ng budget upang bayaran ang kabahagi nito sa ginagawang Light Rail Transit Line 1 Cavite Extension. Gagastos din ang DOTr sa pre-construction works ng Metro Rail Transit Line 4 at Philippine National Railways South Long Haul.
Kasama rin pondong hinihingi sa Congress ang P6.4 billion para sa expansion at upgrading ng land transport sector, P6.09 para sa aviation facilities at P987.56 million para sa proyekto sa maritime sector.
“The agency will also appropriate P500 million for the development of active transport in urban areas, particularly for the construction of bike lanes and pedestrian walkways,” dagdag ni DOTr undersecretary Cesar Chavez. LASACMAR
-
2 milyon pa lang ang nabigyan ng Covid-19 booster sa PinasLakas campaign ng DOH
HIGIT 2 milyong katao pa lang ang nabakunahan ng booster shot sa ilalim ng PinasLakas campaign ng Department of Health. Nasa 2.1 milyon pa lang ang nakakuha ng booster shot sa loob ng 23 milyong target mabakunahan sa unang 100 days ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr sa Oktubre. Nasa 25,638 pa […]
-
PBBM, hiniling sa mga Pinoy na mahalin ang Pambansang Wika
HINILING ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa mga Filipino na mahalin ang Pambansang wika, binigyang diin ang kahalagahan ng layunin ng bansa na makamit ang pagkakaisa at pangalagaan ang ‘Filipino identity.’ “Ang okasyong ito ay nagsisilbing mahalagang paalala sa atin na mahalin ang wikang Filipino nang bukal sa ating puso at nanggagaling sa kamalayan […]
-
Ads September 8, 2023