Top 6 most wanted person ng NPD, natimbog ng Valenzuela police sa Samar
- Published on August 8, 2023
- by @peoplesbalita
NAGWAKAS na ang pagtatago ng isang manyakis na lalaking akusado sa panghahalay sa menor-de-edad na biktima matapos matunton ng mga tauhan ng Valenzuela City Police ang kanyang pinagtaguang sa lalawigan ng Samar, kamakalawa ng tanghali.
Inaprubahan ni Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito Gapas ang hiling ni Valenzuela police chief P/Col. Salvador Destura, Jr. na payagang bumiyahe sa lalawigan ng Samar ang mga tauhan ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Valenzuela police makaraang makumpirma na doon nagtago ang lalaking may nakabimbing kaso ng statutory rape at rape by sexual assault sa Valenzuela Regional Trial Court (RTC).
Sa kanyang report kay BGen. Gapas, sinabi ni Col. Destura na nakatala ang akusadong si Jerwin Diaz, 31, residente ng 10-D Bonifacio St. Brgy, Canumay East bilang Top 6 Most Wanted Person ng NPD at Top 2 naman sa Lungsod ng Valenzuela matapos takasan ang kasong kanyang kinakaharap.
Armado ng arrest warrant na inilabas noong Hunyo 29, 2023 ni Valenzuela RTC Presiding Judge Mateo B. Altarejos ng Family Court Branch 16 laban sa akusado, bumiyahe patungo sa bayan ng Sta Margarita sa Samar ang mga operatiba ng WSS, sa pangunguna ni P/Lt. Ronald Bautista.
Sa tulong ni P/Lt. Elbest Taping, ang hepe ng Sta Margarita Municipal Police Station, natunton ng mga operatiba ng WSS ang akusado sa Barangay Napuro 2 sa naturang bayan na nagresulta sa pagkakadakip sa kanya dakong alas-12 ng tanghali.
Ayon kay P/Lt. Col. Concepcion Salas, hepe ng Public Information Office (PIO) ng NPD, pansamantalang ipiniit muna sa Sta Margarita Police Station ang akusado bago ibiyahe patungo sa tanggapan ng WSS ng Valenzuela Police Station upang isailalim sa tamang dokumentasyon habang hinihintay ang kautusan ng hukuman. (Richard Mesa)
-
PBBM, pinuri ang “expansion plans” ng Coca-Cola sa Pinas
“Coca-Cola’s expansion in the Philippines is very encouraging.” Ito ang sinabi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. matapos i-welcome ang plano ng multinational company na maglagak ng US$1 billion para sa susunod na limang taon para itaas ang operasyon sa bansa. Sinunggaban ang oportunidad sa domestic market at “large and young consumer […]
-
DepEd , magtatatag ng task force, operation at monitoring center para sa 2022 polls
MAGTATATAG ang Department of Education (DepEd) ng Election Task Force (ETF) at operation at monitoring center. Bahagi ito ng ginagawang paghahanda ng DepEd para sa nalalapit na halalan sa bansa. Sa katunayan, nagpalabas ang DepEd ng “Memorandum No. 10, series of 2022 or the Establishment of the 2022 DepEd Election Task […]
-
Signal jamming, no fly zone ipatutupad sa Traslacion 2024
INIHAYAG ni Philippine National Police (PNP) chiefGen. Benjamin Acorda Jr. na ipapatupad ang signal jamming at no fly zone sa lungsod ng Maynila sa mismong araw ng Traslacion ng Itim na Nazareno sa Enero 9. Ayon kay Acorda, walang oras kung kailan magsisimula at magtatapos ang signal jamming at no fly zone dahil […]