PBBM, tikom ang bibig sa naging meeting kay dating Pangulong Duterte
- Published on August 9, 2023
- by @peoplesbalita
TUMANGGI si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na idetalye ang naging pakikipagulong nito kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Matatandaang, nagpunta ng Palasyo ng Malakanyang noong nakaraang linggo si Duterte para makapulong si Pangulong Marcos at pag-usapan ng mga ito ang naging meeting ng una kay Chinese President Xi Jinping in China.”
Inusisa kasi ng mga mamamahayag si Pangulong Marcos sa isang event sa Bulacan ukol sa naging pulong nila ni Duterte, ang naging sagot ni Pangulong Marcos ay mas nais nito na panatilihing confidential ang kanilang naging pag-uusap dahil may kinalaman ito sa ‘operational aspects’ ng Philippine military.
“There are other things na napag-usapan which I think need to remain confidential, that’s between President Digong and myself. Again, these are operational aspects of our military, of our Navy, of our Coast Guard, kaya’t mahirap masyado pag-usapan. I hope you will indulge me there,” ayon sa Punong Ehekutibo.
Ang video mula sa Presidential Communications Office (PCO) at mga larawan mula sa official Facebook ni Senador Bong Go ay nagpapakita na bumalik sa Malakanyang ang mga dating miyembro ng gabinete ni Duterte noong Agosto 2.
Kabilang dito sina Go, dating special assistant to the President; at dating Executive Secretary Salvador Medialdea.
Noong nakaraang buwan, nakipagpulong si dating Pangulong Duterte kay Chinese President Xi Jinping sa Beijing Lunes, ayon sa state media ng China.
Iniulat na sinalubong ni Xi si Duterte sa Diaoyutai State Guesthouse.
Kasama ni Duterte si dating executive secretary Salvador Medialdea, habang kasama ni Xi si State Counselor Wang Yi, Communist Party of China (CPC) Committee ng Ministry of Foreign Affairs member Ma Zhaoxu, Vice Minister of Foreign Affairs Sun Weidong, at Assistant Foreign Affairs. Ministro Hua Chunying.
Ayon kay Hua Chunying, tagapagsalita ng Chinese Ministry of Foreign Affairs, sinabi ni Xi na pinahahalagahan niya ang piniling strategy ni Duterte upang mapabuti ang relasyon ng Pilipinas at China sa panahon ng kanyang pagkapangulo.
Pinahahalagahan din ng China ang relasyon nito sa Pilipinas at handang makipagtulungan sa Maynila sa pagpapanatili ng paglago ng bilateral relations.
Nagpahayag din si Xi ng pag-asa na ang dating pinuno ng Pilipinas ay patuloy na magsusulong ng “friendly cooperation” sa pagitan ng dalawang bansa.
Samantala, sinabi ni Pangulong Marcos na batid niya ang byaheng ito ni Duterte sa China at malugod niyang tinanggap ang anumang bagong linya ng komunikasyon sa Asian power sa gitna ng mga usapin sa South China Sea. (Daris Jose)
-
SSS, bukas na sa aplikasyon ng calamity loan
BINUKSAN na ng Social Security System (SSS) ang pintuan upang tumanggap ng aplikasyon ng calamity loan para sa mga miyembro nito na nakatira at nagtatrabaho sa Taiwan na naapektuhan ng nagdaang 7.2 magnitude na lindol sa nasabing bansa noong Abril 2024. Ayon sa SSS, ang naturang loan ay bukas sa mga SSS […]
-
BARBIE, nakikipagsabayan sa veteran actresses na sina BOOTS, SUNSHINE at MARICEL; sayang lang at ‘di kasama si JAK sa serye
BIG surprise pala kay Geneva Cruz nang i-offer sa kanya ng GMA Network ang bago nilang Afternoon Prime na Little Princess na ginagampanan ni Kapuso actress Jo Berry. “Nagulat ako kasi nga matagal na akong hindi umaarte. Dahil I chose to focus on singing in concerts and live shows,” sabi ni Geneva. […]
-
Dahil sa pag-arte at pagi-gaming: ALDEN, natatakasan ang mga stress ng buhay
PARA kay Alden Richards, ang acting o pag-arte sa harap ng kamera “is an escape” mula sa mga stress ng buhay. Ano ba ang mga stress ni Alden sa kanyang buhay? “Minsan kasi, of course tayo tao lang, dun nga po pumapasok yung, ‘Tao lang tayo,’ kahit gaano mo katagal i-shield yung sarili […]