• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Matapos umariba sa 2023 Billboard Fan Army Face-Off: SB19, muling nag-perform sa American morning show na ‘Good Day New York’

INIHAYAG ng SB19 ang kanilang pasasalamat at pagiging proud sa kanilang fandom na A’TIN na umariba sa 2023 Billboard Fan Army Face-Off.

 

 

Sa kanilang IG Live, inilahad ng SB19 members na sina Justin, Pablo, Stell, Ken at Josh ang pasasalamat nila sa A’TIN.

 

 

“Maraming maraming salamat! You guys are amazing,” sabi ni Justin.

 

 

“Sobrang galing ninyo… Salamat sa support and love,” sabi naman ni Pablo.

 

 

“Thank you again. Love you A’TIN. Good night, see you soon sa August 11 and September,” ani Stell.

 

 

Naging dikit ang laban ng A’TIN at CARATs, na fan base ng K-pop idols na Seventeen sa final round.
Samantala, muling nag-perform ang phenomenal P-pop group sa American morning show na ‘Good Day New York.’

 

 

Fresh mula sa kanilang pagkapanalo sa Billboard 2023 Fan Army Face Off. At sa naturang TV guesting, sinayaw ng SB19 ang kanilang hit song nila na “Gento.”

 

 

Matatandaan na sa morning show rin ang naging debut ng SB19 sa American television. Ito ay kasabay ng kanilang “WYAT (Where You At)” Tour noong November 2022.

 

 

Ngayon, nagbabalik ang SB19 sa Amerika bilang bahagi ng kanilang “Pagtatag” world tour.

 

 

Sa interview ng American TV host na si Rossana Scotto sa SB19, nagpasalamat ang leader at vocalist ng grupo na si Pablo sa lahat ng opportunidad na ibinibigay sa kanila ngayon.

 

 

Aniya, “It’s very amazing for us to experience this for the second time, this opportunity again. Last time we visited a few cities but now we have 10 cities to go.

 

 

“We’re just really really thankful that we have this opportunity and we get to meet our new fans and of course introduce our music to the world.”

 

 

Samantala, mapapanood naman si Stell bilang coach sa first-ever ‘The Voice Generations’ sa Asya ngayong Agosto 27 na sa GMA.

 

 

***

 

NILINAW ni Herlene Nicole “Hipon Girl” Budol na posibleng sumali pa siya sa mga beauty pageant.

 

 

Sa “Not Gonna Lie” segment ng programang “Dapat Alam Mo!,” tinanong ng mga host na sina Susan Enriquez at Kim Atienza si Herlene kung sasali pa ba siya sa beauty pageants.

 

 

“Sasali pa ba ko, oo o hindi?” tanong ng actress ang beauty queen bago sinabi ang sagot na, “Oo ata. Maybe. Puwede bang maybe?”

 

 

Lumabas naman sa lie detector na “truth” ang kaniyang sagot.

 

 

Dito na sinabi ni Kuya Kim ang YouTube video ni Herlene kamakailan na emosyonal niyang inihayag na signed off na siya sa pageantry.

 

 

“Hindi po, kasi po sinabi ko po yung I’m signing off kasi wala pa pong Miss Philippines Tourism na ipagdadayo ko po,” paliwanag ni Herlene.

 

 

“Kumbaga, wala pa pong franchise na nakukuha dun sa international para sa paglalabanan ko,” patuloy niya.

 

 

Ayon pa sa “Magandang Dilag” star, “Lalaban pa rin pa naman ako sa international pero after po nun, baka magpahinga po ako at papagalingin ko lang po muna yung sarili ko. Mag-focus po muna ko sa kung ano yung meron po ako ngayon.”

 

 

Sa nasabing YouTube video, inihayag ni Herlene na hindi na siya sasabak sa beauty pageants.
Noong nakaraang buwan, kinoronahan si Herlene bilang Miss Philippines Tourism sa Miss Grand International pageant.

 

 

Sa inilabas na pahayag ng ALV Pageant Circle at Miss Grand Philippines, inihayag nito na, “we have not yet issued any official confirmation regarding Miss Grand Philippines Tourism 2023 Herlene Budol’s participation in the Miss Tourism World pageant.”

 

 

“Our Miss Philippines Tourism title is a generic title with no contractual obligation to any international pageant,” patuloy nito.

 

 

Bago nito, naging first runner-up si Herlene sa Binibining Pilipinas 2022.

 

(ROMMEL L. GONZALES)

Other News
  • Ads June 4, 2022

  • Bagong China FM Qin Gang, darating sa bansa para sa isang official visit

    NAKATAKDANG dumating sa Pilipinas si Chinese State Councilor and Foreign Minister Qin Gang para sa isang official visit simula Abril 21 hanggang 23.     Ang biyahe ni Qin ay tugon sa imbitasyon ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo.     Ang planong pagbisita ni Qin  ay dahil na rin sa “troublesome time” sa pagitan […]

  • IATF, bukas sa mungkahing gawin ng 80 to 100% ang mga manggagawang nasa isang workplace

    BUKAS ang Inter-Agency Task Force sa naging panukala ni Presidential Adviser Joey Concepcion na dagdagan na ang capacity sa mga work place.   Ito’y kapag 80% porsiyento na ng isang establisimyento ang nabigyan na ng bakuna laban sa COVID-19.   Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, wala pang natatalakay na ganitong usapin sa IATF pero […]