• July 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Construction worker na top 3 most wanted ng Malabon, nasilo

NAGWAKAS na ang pagtatago ng isang construction worker na nakatala bilang top 3 most wanted sa kasong robbery with homicide matapos masakote sa ikinasang manhunt operation sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

 

 

Kinilala ni Malabon police chief P/Col. Jonathan Tangonan ang naarestong akusado na kinilala bilang si Redentor Rodaste, 27 ng Sitio Gulayan, Barangay Catmon, Malabon City.

 

 

Sa kanyang ulat kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen Rizalito Gapas, sinabi ni Col. Tangonan na nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Warrant and Subpoena Section (WSS) ng Malabon police na naispatan ang presensya ng akusado sa Brgy. Hulong Duhat.

 

 

Kaagad nagsagawa ang mga operatiba ng WSS sa pangunguna ni PEMS Marlon Garcia, PNCOIC, WSS kasama ang 4th MFC RMFB-NCRPO ng joint manhunt opertion na nagresulta sa pagkakaaresto sa akusado dakong alas-6:20 ng gabi sa Gervacio Street, Barangay Hulong Duhat, Malabon City.

 

 

Ani Col. Tangonan, ang akusado na nakatala din bilang top 8 most wanted ng NPD ay dinakip ng kanyang mga tauhan sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Hon. Misael Madelo Lagada noong July 5, 2022 para sa kasong Robbery with Homicide.

 

 

Pansamantalang nakapiit ang akusado sa custodial facility unit ng Malabon police habang hinihintay ang pagpapalabas ng commitment order ng korte.

 

 

Pinapurihan naman ni BGen Gapas ang Malabon police sa kanilang pagsisikap para tugisin ang mga taong pinaghahanap ng batas. (Richard Mesa)

Other News
  • 59 schools na napili sa face-to-face classes tinukoy na ng DepEd

    Pormal nang inanunsiyo ngayon ng Department of Education (DepEd) ang inisyal na pagpili sa 59 na pampublikong mga paaralan sa bansa para sa gagawing face-to-face classes.     Ang naturang bilang ay mula sa 638 na nominadong mga paaralan matapos makapasa sa granular risk assessment ng Department of Health (DOH).     Paliwanag ng DepEd, […]

  • Jones kabado kay Tyson

    Aminado si Roy Jones Jr. na hindi madaling kalaban si Mike Tyson sa edad na 54  at inaasahan nitong mahihirapan siya sa nakatakda nilang 8-round exhibition fight sa Sept. 12 in Carson, California.   “It’s hard to say. Boxing is a strange sport,”  ani Jones Jr. “A lot of times people say the legs are […]

  • ANGEL, inamin na tropa lang at hindi talaga nagka-crush kay NEIL; excited na sa pagbuo ng sariling pamilya

    DESISYON talaga ni Angel Locsin na mag-lie low muna sa kanyang showbiz career para naman mapaghandaan ang nalalapit na kasal nila ng film producer na si Neil Arce.      Katatapos lang ng public service program niya na Iba Yan! sa Kapamilya Channel na umabot naman ng isang taon, kaya mas marami na siyang oras […]