• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Reassessment ng listahan ng 4Ps list, matatapos sa Setyembre-DSWD

MATATAPOS sa Setyembre ang ginagawang reassessment ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa listahan ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps).

 

 

Sinabi ni DSWD Secretary  Rex Gatchalian sa press briefing sa Malakanyang na may 700,000 pamilya ang ni-reassessed upang makita kung kailangan na ikonsidera pa ang mga ito bilang mahirap at maging benepisaryo ng  cash assistance program ng gobyerno.

 

 

“So ongoing iyong reassessment ngayon at matatapos iyan ng September para talagang masigurado natin na masala natin nang mabuti iyong dapat kasama sa 4Ps program, kasama sa program – iyong dapat hindi na kasama sa program, hindi na kasama sa program,”  ani Gatchalian.

 

 

“Sinigurado lang natin talagang na… like I said, na nafi-filter nang maayos. Pero come end of September, tapos na iyong reassessment na iyon and then what we can do next is now start paying them. At mabilis naman sa department dahil nga naka-cash card naman ‘yang mga ‘yan – once the fund is obligated, disburse kaagad iyon,” dagdag na wika nito.

 

 

Matatandaang inatasan ni Pangulong Ferdinand  Marcos Jr. ang DSWD na ituloy ang pag-calibrate sa Pantawid Pamilyang Pilipino Program (4Ps) at pagbuo ng iba pang social protection initiatives ng gobyerno.

 

 

Nanawagan si Marcos sa ahensya na ipagpatuloy din ang pagpapatupad sa Unconditional Cash Transfer program upang makapagbigay ng cash grants para sa mahihirap na households at indibidwal.

 

 

Maliban dito, pinaiigting din ng Punong Ehekutibo ang Social Pension Program para sa mga Indigent Senior Citizens bilang paraan para ma-augment ang kanilang araw-araw na pangangailangan at medical needs.

 

 

Samantala, kinilala naman ng Pangulo  ang mga hakbang ng DSWD sa pagbawas sa kahirapan at gutom, maging ang pagkamit sa upper-middle income status sa 2025.  (Daris Jose)

Other News
  • Hanoi SEA Games papayagan ang mga audience na manonood sa mga laro

    PAPAYAGAN na ang mga audience na manood ng iba’t-ibang laro sa 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.     Kinumpirma ito ni Philippine delegation chief of mission Ramon Fernandez matapos ang ginawa nilang final meeting bago ang pagbubukas ng biennial games sa Mayo 12.     Dagdag pa nito na papayagan ang mga tao […]

  • Bentahan ng isang brand ng vape, sinuspinde ng DTI

    SINUSPINDE na ng Department of Trade and Industry ang pagbebenta, manufacture, importation, at distribution ng isang brand ng vape sa local market.     Ito ay matapos ang inilibas na preliminary order ng DTI noong Marso 15, 2024 na nag-uutos sa pagpapatigil sa pagbebenta ng mga vape products na gawa ng kumpanyang Flava Corp. nang […]

  • LATEST PHOTOS THAT ARE MUST-SEE SCENES IN CINEMAS IN CHRISTOPHER NOLAN’S MOST AMBITIOUS FILM TO-DATE “OPPENHEIMER” (PART 1)

    Universal Pictures has just released the latest photos of Christopher Nolan’s latest epic film “Oppenheimer” that will open in cinemas (PH) nationwide on July 19.       The photos are so stunning that one can’t help but get excited on how it will finally roll in cinemas!  But first let’s meet the characters of […]