• December 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Waging Best Actor sa 19th Cinemalaya para sa ‘Tether’: MIKOY, naging emosyonal nang tanggapin ang Balanghai trophy

NAGWAGI si Mikoy Morales bilang Best Actor Award sa Cinemalaya Philippine Independent Film Festival nitong Linggo para sa pelikulang “Tether.”

 

 

 

Ginampanan ng Sparkle actor ang karakter ni Eric, isang aroganteng playboy sa pelikulang “Tether,” na idinerek ni Gian Arre.

 

 

 

Hindi napigilan ni Mikoy na maging emosyonal nang tanggapin ang Balanghai trophy sa stage.

 

 

 

Pinasalamatan niya si Direk Gian, ang intimacy facilitator, acting coach Ana Feleo, at kaniyang pamilya at mga kaibigan.

 

 

 

“This really means so much to me, this community, this industry,” sey ng isa stars ng Pepito Manaloto.

 

 

 

***

 

 

LUMIPAD papuntang Guam si Kapuso Soul Balladeer Garrett Bolden noong nakaraang August 11 dahil kabahagi siya ng malaking cast ng ‘Beauty and the Beast: The Broadway Musical’ na produced ng World Theater Productions.

 

 

 

Gagampanan ni Garrett ang role bilang ang Beast sa stage adaptation ng classic tale.

 

 

 

Sa kanyang Instagram, pinost ni Garrett ang photos na nasa airport siya para sa flight niya to Guam.

 

 

 

“I want adventure in the great wide somewhere. I’m headed back to Guam but this time to play Beast in Beauty and the Beast: The Broadway Musical. Since I got the role, I have been researching and watching the film and musical to study the role. I always had my script everywhere I go and rehearse during free time on ‘All Out Sundays’ and in between events/gigs. I will make everyone proud,” caption pa ng singer.

 

 

 

Inamin ni Garrett na nahirapan siyang mag-rehearse on his own, pero naging malaking tulong daw ang naging script readings kasama ang co-stars niya via Zoom kahit na magkaiba ang time zones nila.

 

 

 

Ito ang second musical na nakasama sa cast ang ‘The Clash’ season one finalists. Noong 2022, nakasama siya sa Guam production of ‘Miss Saigon’ as John Thomas.

 

 

 

Noong nakaraang June in-announce ni Garrett via Instagram ang pagsali niya sa ng ‘Beauty and the Beast: A Broadway Musical’.

 

 

 

Sa latest IG post ni Garrett, mapapanood sa kanyang pinost na reel ang rehearsals at training ng buong cast para sa musical.

 

 

 

“Behind the scenes: Sitzprobe, Enthralling. its our first time rehearsing with the two Orchestras. one dubbed as Belle’s Town and The Beast’s Castle, cant wait for you to hear the Magic,” caption pa ni Garrett.

 

 

 

***

 

 

 

FOR the first time in history, mapapanood na sa GMA Network simula ngayong August 27 ang pinakamalaking labanan ng boses ng mga Pinoy mula sa bawat henerasyon – ang pinakaunang ‘The Voice Generations’ sa Pilipinas at sa buong Asya.

 

 

 

Ang ‘The Voice Generations’ ay ang newest spin-off ng biggest singing competition sa buong mundo na ‘The Voice’ mula sa ITV Studios.

 

 

 

Ang magsisilbing host ng programa ay walang iba kung ‘di si Kapuso Primetime King Dingdong Dantes. Siya ang makakasama ng mga talent upang mas makilala at malaman ang kanilang mga kuwento.

 

 

 

Sa nasabing singing competition, masasaksihan ang mga pangmalakasan at sanib-puwersang performance, dahil hindi isa kung ‘di duo, trio, o grupo ang magpe-perform upang pabilibin ang apat na superstar coaches.

 

 

 

Ito ay ang apat na award-winning Filipino music artists na sina international singer, dancer, and host na si Billy Crawford, multi-awarded at best-selling recording artist na si Julie Anne San Jose, lead singer at choreographer ng sikat na P-pop boy group na SB19 na si Stell, at ang Pinoy rock icon at lead singer ng bandang Parokya Ni Edgar na si Chito Miranda.

 

 

 

Excited na rin ang apat na award-winning coaches na sina Billy, Julie Anne, Stell, at Chito sa kanilang agawan ng talent on stage.

 

(RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Mga Pinoy sa India na nasa repatriation program ng gov’t, ‘exempted’ sa travel ban – Palasyo

    Nilinaw ng Malacanang na ang mga Pinoy workers sa India at anim pang bansa na kabilang sa repatriation programs ng pamahalaan at mga recruitment agencies ay maaari pa ring makapasok sa Pilipinas.     Ito’y sa kabila ng nakapataw na travel ban sa India, gayundin sa Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, at […]

  • Vietnam humiling ng karagdagang araw para sa pinal na desisyon kung matutuloy ang SEA Games

    Humiling pa ng ilang araw ang Vietnam para pagdesisyunan ang kapalaran ng Southeast Asian Games kung ito ba ay matutuloy o kakanselahin.     Sinabi ni Philippine Olympic Committee (POC) President Abraham “Bambol” Tolentino na humirit ng 14 na araw ang Vietnam bago nila pagdesisyunan kung matutuloy ba o iaantala ang torneyo.     Sa […]

  • Ads December 3, 2022