• July 18, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Marami ang natuwa nang mag-guest sa ‘It’s Showtime’: MICHAEL V., may pahiwatig sa possible collab nila ni VICE GANDA

MARAMI ang natuwa nang mag-guest si Michael V. o si Bitoy sa “It’s Showtime” bilang bahagi ng birthday celebration ng kanyang kaibigan na si Ogie Alcasid last Saturday.

 

 

At hindi ito rito nagtapos. Nag-post si Bitoy sa kanyang Instagram account ng picture kasama si Vice Ganda at gayundin ng iba pang co-host ng noontime show.

 

 

As we all know, naging posible ang guesting ng mga Kapuso stars sa “It’s Showtime” simula nang napapanood na ito sa GTV.

 

 

Sabi ni Bitoy sa kanyang post, “Recently, tuwing nagko-cross ang paths namin ni Vice Ganda, isa lang ang laging pumapasok sa isip ko… ‘possibilities.”

 

 

At “In a time na parang “puwede na”, ano sa tingin n’yo ang posibleng mangyari?”

 

 

Tila na-excite naman kahit ibang celebrities sa post na ito ni Bitoy. Si Dawn Zulueta ay napa-comment na, “Do it!”

 

 

Si Jerald Napoles naman, “Nakaka excite kuya idol!”

 

 

Pahiwatig na kaya ito ng collab naman between Michael V and Vice?

 

 

***

 

 

ANG kilalang kambal na sina Kitty and Kakai Almeda ay celebrity endorsers na rin ng So…? Fragrance events at magkakaroon sila ng Fragrance Grand Launch sa SM Mega Fashion Hall sa August 22-23.

 

 

Makilala sina Kakai at Kitty sa Meet Kitty & Kakai Almeda at the So…? Fragrance Grand Launch kaya pwede-pwedeng na itong mapuntahan.

 

 

Sina Kitty at Kakai ang kambal na madalas viral ang mga post sa social media accounts nila. At sa Tiktok na lang, meron silang 4.7 million followers.

 

 

Ang kambal ay under ng management ng Triple A Entertainment. Kaya kasama nila rito sina Maine Mendoza at Marian Rivera.

(ROSE GARCIA)

Other News
  • EJ Obiena, nag-courtesy call kay PBBM sa Malakanyang

    NAG-COURTESY call  si Filipino Olympian at pole vaulter EJ Obiena  kay  Pangulong  Ferdinand  Marcos, Jr., araw ng Biyernes sa Malakanyang.     Balik-Pinas si Obiena matapos ang tatlong taon na pamamahinga bago pa magsisimula ang kanyang season sa susunod na taon.     Pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos si Obiena para sa karangalang dinala nito […]

  • Sapilitang pagbabakuna sa mga manggagawa at may-ari ng tiangge workers, oks sa MM Mayors—Abalos

    NAGKAISA at pumayag ang mga National Capital Region (NCR) mayors na sapilitang bakunahan ang mga manggagawa at may-ari ng tiangge.   Ang katwiran ng mga ito ayon kay Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) chairman Benhur Abalos, ang mga tao sa tiangge ay nagmula sa iba’t ibang lugar at mayroon lamang seasonal visitors.     Ibig […]

  • 20 BENEPISYARYO NG GIP, TINANGGAP SA NAVOTAS

    MALUGOD na tinanggap ni Mayor Toby Tiangco ang nasa 20 benepisyaryo ng Government Internship Program (GIP) na nagsimula na sa kanilang trabaho kahapon, June 15 sa Navotas City Hall.     “In government service, we are here not just to do our job. We are here to help ease the burden of the people we […]