China, kinastigo ang US-South Korea-Japan deal
- Published on August 23, 2023
- by @peoplesbalita
KINASTIGO ng China ang kamakailan lamang na security commitment ng Estados Unidos, South Korea, at Japan.
“The Asia Pacific, which the Philippines is part of, should “not be turned into a boxing ring,” ayon sa China.
Pinuna ni China’s foreign ministry spokesperson Wang Wenbin ang tripartite ties’ joint statement na “smeared and attacked China on Taiwan and maritime issues,” para sa China, ito’y isang pagtatangka ng ” hindi pagkakasundo” at paghahati-hati o pangkat sa hanay ng magkakalapit-bansa.
Nauna rito, kinondena ng tatlong tinaguriang “powerhouse countries” ang agresibong taktika ng China sa pinagtatalunang katubigan.
Sinabi ni Wenbin na kung ang kasunduan ay ginawa na walang anuman na pinupuntirya, ang Estados Unidos aniya ay kailangan na “match its words with actions and act on its statement that the revitalization of its alliances is not targeted at China.”
“A cold war mentality, which may include tension covering economic and political actions, could also be revived following this recent development in the region,” babala ni Wenbin.
“The Asia-Pacific region is a promising land for peace and development. It should not be turned into a boxing ring for major power rivalry, still less a battlefield of cold war or hot war,” aniya pa rin.
“Attempts to stoke a new cold war in the region will be met by firm rejection of regional countries and peoples,” dagdag na wika nito.
Binigyang diin pa nito ang determinasyon ng China na ipaglaban ang ‘claims’ nito maging ito man ay sa Taiwan o sa South China Sea.
Ipinagtanggol naman nito ang maritime actions ng China, sabay sabing ang mga ito ay “legitimate, lawful, and beyond reproach.”
Hindi naman lingid sa kaalaman ng lahat na binasura ng China ang arbitral tribunal’s ruling noong 2016 na nagpapawalang-bisa sa claims ng Beijing sa West Philippine Sea.
Subalit sinabi ni Wenbin na ang China ay “always abides by international law, including UNCLOS (United Nations Convention on the Law of the Sea).
Muli rin nitong inulit ang posisyon ng China laban sa “illegal” tribunal award.
Marami ng napaulat na insidente na kinasangkutan ng China laban sa Pilipinas kabilang na ang pambu-bully sa mga Filipinong mangingisda , at pagbomba ng water cannons sa Philippine vessels. Ito ang dahilan ng paghahain ng Philippine government ng diplomatic protests laban sa China.
Ang naging aksyon ng Beijing ang nakakuha sa atensiyon ng maraming bansa lalo na ng Estadsos Unidos.
Sinisisi naman ng China ang US government para sa “to great lengths to interfere in the South China Sea issue,” branding the latter as a “disrupter and saboteur of the regional order.”
“The US has become the biggest threat and challenge to regional peace and stability,” ayon kay Wenbin.
Aniya pa rin, ipagpapatuloy ng Chinese government na “to firmly defend its sovereignty and security interests” at makipagtulungan sa ASEAN countries. (Daris Jose)
-
Bigas sa halip na pera sa 4Ps, isinusulong
PINAG-AARALAN na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang panukala ng Department of Agriculture (DA) na magbigay ng bigas sa mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps sa halip na tulong pinansyal o pera mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD). Sinabi ni Agriculture Undersecretary Roger Navarro na iminungkahi nila […]
-
LTFRB: Jeepney operators pinag-iisipan kung bibigyan ng five-year na prangkisa
ANG Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ay pinag-iisipan kung bibigyan ng five-year provisional na prangkisa ang mga jeepney operators kung saan ito ay magiging isa sa mga kasagutan sa mga hinihingi ng mga drivers at operators ng public utility jeepneys (PUJs) na nag welga noong Lunes. Isa ito sa mga […]
-
Pagpapasara sa POGO, pinag-iisipan na ni PBMM
PINAG-IISIPAN na umano ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapasara sa Philippine Offshore Gaming Operators (POGO) sa bansa. Sinabi ni Sen. Imee Marcos na nakausap niya ang Pangulo noong nagtungo siya sa Palasyo para dumalo sa kaarawan ng kapatid at ito ang isa sa kanilang mainit na napag-usapan. Iginiit umano ng […]