• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Pagbabago sa presyuhan ng asukal sa World Market, posibleng maramdaman ng PH

MAAARING maramdaman din ng mga Pilipino ang epekto ng pagtaas ng presyo ng asukal sa pandaigdigang merkado.

 

 

Batay kasi sa prediksyon ng ilang mga international think tank, maaaring tataas ang presyo ng asukal sa ibat ibang bahagi ng mundo, dahil sa El Nino phenomenon.

 

 

Katwiran ng mga firm, ang El Nino phenomenon ay maaaring magdulot ng mababang produksyon ng asukal sa malaking bahagi ng Asiya, kasama na ang Thailand.

 

 

Ang Thailand naman ang pangunahing pinagbibilhan ng Pilipinas ng mga produktong asukal.

 

 

Kahit pa hindi regular na umaangkat ang Pilipinas ng asukal at bumibili lamang ito kung kinakailangan, maaaring maramdaman pa rin ng Pilipinas ang impact nito, dahil sa bultuhan naman kung bumili ang bansa.

 

 

Nauna na rito ang pagtaas ng presyo ng asukal simula pa noong 2019.

Other News
  • INTERNS UMPISA NA SA PAGTATRABAHO SA CITY HALL

    MAGSISIMULA na ang nasa 20 benepisyaryo ng Government Internship Program (GIP) ng kanilang trabaho sa June 15 sa Navotas City Hall.     Tinanggap ni Mayor Toby Tiangco ang mga GIP at ipinaalala sa kanila ang kakayahan ng serbisyo publiko.     “In government service, we are here not just to do our job. We […]

  • Top 3 most wanted person ng Leyte, nasilo sa Caloocan

    ISANG lola na nakatala bilang top 3 most wanted person sa Leyte ang nadakip ng pulisya sa isinagawang manhunt operation sa Caloocan City, kamakalawa ng gabi.     Ani Caloocan police chief P/Col. Paul Jady Doles, nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng Sangandaan Police Sub-Station (SS4) hinggil sa kinaroroonan ng 69-anyos na lolang akusado. […]

  • Libreng sakay, rescue buses ipinakakalat sa tigil-pasada

    NAKAHANDA ang pamahalaan na magbigay ng libreng sakay tulad ng mga rescue buses na ipapakalat ngayong araw sa mga lugar na apektado ng tigil-pasada ng mga jeep at UV Express.     Ito ang sinugurado ng administrasyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na magkakaroon ng sapat na pampublikong transportasyon ang commuting public sa panahon […]