• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PROGRAMA PARA SA EMPLOYMENT NG MGA PWDs, INILUNSAD NG QC

NAGLUNSAD ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ng programa na tatanggap sa mga persons with disability bilang mga empleyado o manggagawa at ang programang ito ay bahagi ng komitment ng lokal na pamahalaan na tiyakin ang pantay na oportunidad sa mga most vulnerable sector ng pamayanan.

 

 

Sa ilalim ng “Kasama Ka sa Kyusi: Ang Taong May Kapansanan ay May Karapatan at Kakayahan”,  ang city government mismo ay maghahire ng may 300 PWDs na itatalaga sa iba’t ibang departamento.

 

 

Ayon kay Mayor Joy Belmonte, batid ng lokal na pamahalaan ang hirap na dinaranas ng mga may kapansanan lalo na sa paghahanap ng permanente at disenteng trabaho. Kaya sa pamamagitan ng programang ito, titiyakin na mas maraming magbubukas ng oportunidad para sa kanila na nakaayon din sa kanilang galing at talento.

 

 

Ayon sa datos ng QC Persons with Disability Affairs Office o QC PDAO nasa 14 na porsyento, o 7,620 mula sa 54,000 na rehistradong PWD na may edad na 18 hanggang 59 ang unemployed o walang  trabaho.

 

 

Itinatakda ng  Republic Act 10524 o maea kilala bilang Act Expanding the Positions Reserved for Persons with Disability, na dapat ay mayroong isang porsyento ng kabuuang workforce sa mga government agencies, offices o corporations ang nakalaan sa mga PWDs. Sa kasalukuyan ang lokal na pamahalaan ng Quezon City ay may 253 na contractual, job order at permanent employees na katumbas ng 1.2.percent.

 

 

Ayon naman kay Deborah Dacanay, Officer in Charge ng QC PDAO, patuloy na bumubuo ng ibat-ibang programa ang pamahalaang lungsod, para masigurong walang maiiwan at kasama ang lahat sa pag-unlad. (PAUL JOHN REYES)

Other News
  • Grand Prix sa Japan kinansela dahil sa COVID-19

    Muling kinansela ang Japanese Grand Prix dahil sa banta ng COVID-19.     Ito na ang pangalawang magkasunod na taon na kinansela ang nasbing karera.   Gaganapin sana ito sa Suzuka sa darating Oktubre 10.     Ayon sa Forumula One organizares na mismo ang gobyerno ang nagdesisyon na kanselahin ang nasabing laro dahil sa […]

  • ‘The Manila Film Festival’, matagumpay ang pagbabalik: VM YUL, nailang sa muling pag-arte at may movie kasama si NORA

    ANG orihinal na inilunsad ni dating Manila Mayor Antonio Villegas bilang Metropolitan Film Festival noong 1960s, ay nagbabalik na sa bago nitong pangalan na The Manila Film Festival (TMFF).   Sa nilagdaang Memorandum of Agreement noong Pebrero, ibinahagi nga ni Manila Mayor Honey Lacuna kung gaano siya kasaya na maibalik ang magic ng film industry […]

  • Biglaang paglabas ng mga tao, ikinabahala

    Ikinabahala ng mga awtoridad ang biglaang paglabas ng mga tao habang halos umabot sa ‘pre-pandemic level’ ang bilang ng mga sasakyan sa mga kalsada makaraang ibaba sa Alert Level 3 ang Metro Manila.     Mismong si Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) Chairman Benhur Abalos ang nakapansin sa pagdami ng tao sa mga kalsada, sa […]