• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

LTFRB, nakatakdang dinggin ang hirit ng transport group na taas-singil

NAKATAKDANG dinggin ng Land Transportation and Regulatory Board ang hirit ng mga transport group na pagtaas sa sinisingil na pamasahe.

 

 

Ayon kay LTFRB Chairperson Atty. Teofilo Guadiz III, nais nilang matukoy sa mga isasagawang pagdinig ang merito ng kahilingan ng mga operators at drivers.

 

 

Ito ay upang makita kung pagbibigyan ba o hindi ang kahilingan ng mga ito na taasan na ang kanilang mga sinisingil sa mga komyuter, dahil na rin sa sunud-sunod na pagtaas sa presyo ng produktong petrolyo.

 

 

Kasabay nito, tiniyak ng opisyal na papakingan nila ang lahat ng panig at argumento ng mga tsuper at operators, kasabay ng pagsigurong ikokonsidera ang kanilang hinaing.

 

 

Katwiran ni Guadiz III, may kani-kaniyang pamilya rin ang mga miymbro ng transport groups na maaaring apektado sa kasalukuyang sitwasyon ng mga tsuper at operator.

 

 

Maalalang nagsumite ng kanilang petsyin na taas-singil sa mga pamasahe ang ibat ibang mga grupo na kinabibilangan ng Liga ng Transportasyon at Operators sa Pilipinas (LTOP), Pagkakaisa ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON), Stop & Go Transport Coalition Incorporated, at Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (FEJODAP), upang hilingin ang P2.00 na dagdag sa pamasahe. (Daris Jose)

Other News
  • “No vaccine, no ride” policy suportado ng DOTr

    Binigyang suporta ng Department of Transportation (DOTr) ang polisia na pinatutupad ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) na bawal ang mga unvaccinated na individuals ang lumabas ng kanilang tahanan.     Kung kaya’t bilang pagsuporta ng DOTr, hindi rin puwedeng sumakay ang mga pasaherong wala pang bakuna.     “The DOTr and its attached agencies […]

  • Mas nakakikilig at nakaaaliw ang programa: BOOBAY at TEKLA, patuloy na nagpapalaganap ng good vibes

    TALAGA namang tilian ang mga Kapuso fans at volleyball enthusiasts sa maaksyong GMA NCAA All-Star Volleyball Games hatid ng GMA Synergy na ginanap noong April 23 sa FilOil EcoOil Center, San Juan City.     Nanalo ang Team Saints sa parehong Men’s at Women’s Division na kinabibilangan nina Sparkle stars Carlo San Juan, Prince Clemente, […]

  • Metro Manila mayors nagkasundo na ipatupad ang 5-year Metro Manila traffic plan

    NAGKASUNDO ang mga alkalde ng Metro Manila at iba pang ahensya ng gobyerno na ganap na ipatupad ang isang komprehensibong plano sa trapiko para maibsan ang pagsisikip sa National Capital Region (NCR) bilang pag-asam ng mas magandang aktibidad sa ekonomiya sa susunod na limang taon.     Sinabi ni Atty. Romando Artes, acting chairman ng […]