Emosyonal nang mapanood ang last episode sa #MPK… ALDEN, nanawagan at handang tumulong sa Cantillana Family
- Published on August 27, 2023
- by @peoplesbalita
NAGING emosyonal si Asia’s MultiMedia Star Alden Richards, after niyang mapanood ang last episode ng kanyang “Alden August” ng Magpakailanman last Saturday, August 26 sa GMA Network.
Titled “Sa Puso’t Isipan: The Cantillana Family Story,” tungkol ito sa pamilya na may mental disorders ang kanilang mga parents, hanggang sa nagkaroon na rin nito ang eldest son, si Andrew, played by Alden, a loving son, mabait na kuya sa dalawang nakababatang kapatid at primary caregiver to his mentally-ill parents, na ang nagkuwento sa #MPK ay ang bunsong si Angelica.
After ipinalabas ang episode, nag-Facebook live agad si Alden at inaming hindi na niya pinanood ang finale scene nila noong taping dahil masyado raw mabigat sa kanyang pakiramdam ang role, na kahit may problema siyang personal ay hindi maipapantay sa paghihirap na dinaranas ni Andrew sa story.
Nanawagan din si Alden: “If may nakakakilala po sa Cantillana Family, please let me know, baka po mas may mahirap pa silang pinagdadaanan, kaysa napanood natin, na hindi naikuwento ni Angelica, Handa po akong tulungan kayo in this fight.”
***
MATAGAL-TAGAL na ring na-miss ng mga TV viewers si Kapuso actress Sophie Albert, since ikinasal sila ni Kapuso actor Vin Abrenica at may little daughter na sila ngayon.
Huling napanood noon si Sophie nang mag-guest siya sa first part ng top-rating GMA Afternoon Prime drama series na “Abot-Kamy na Pangarap” nina Carmina Villarroel at Jilian Ward.
Ngayon ay napapanood na muli si Sophie sa bagong GMA Afternoon Prime series na “The Missing Husband” nina Rocco Nacino at Yasmien Kurdi, at 4:05 pm sa GMA Network.
Nang mag-promote si Sophie sa “Fast Talk with Boy Abunda,” ang naging topic nila ay ang hindi niya paggamit ng real surnames niyang Reyes or Cojuangco, ayaw daw ba niya ang said surnames?
“Hindi naman sa ayaw kong gamitin, lumaki ako using my surname ‘Reyes,’ paliwanag ni Sophie.
“But in showbiz, ang dami nang Reyes, and I felt like it was such a big responsibility to make it Cojuangco, and I grew up not having that in my name. So, I chose to have my mom’s middle name na ‘Albert,’ instead. Pero it doesn’t mean na hindi ko gusto ang surnames na Cojuangco or Reyes.”
Lola ni Sophie si Josephine Cojuangco-Reyes, ina ng father niya at nakatatandang kapatid ni former President Cory Aquino, mom ni Kris Aquino, kaya lola niya si Pres. Cory at auntie niya si Kris.
Pero hindi raw sila madalas nagkikita ni Kris.
***
SA isang interview kay Judy Ann Santos, sinabi niyang gusto pa rin niyang matuloy ang paggawa nila ng movie ni Sam, Milby na “Mrs. Winters.”
Ang location dapat ng movie ay sa Canada, kaya lamang nagkaproblema raw ang visa niya, kaya naubusan na sila ng winter. Kung ipu-push daw nilang umalis noon ng May or June, biro ni Juday, “Mrs. Autumn” or “Mrs. Summer na siya, mawawala na raw ang essence ni “Mrs. Winters.”
Willing si Juday na ituloy ang movie dahil naka-commit na siya at gagawin niya ito kapag naayos na ang requirements at isa nga rito ay dapat may snow sa kanilang location.
(NORA V. CALDERON)
-
Ads January 19, 2021
-
Presyo ng bigas, tataas ng P4 sa Oktubre
NAGBANTA ang farmers group na Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) na posibleng tumaas ang presyo ng bigas ng mula P3 hanggang P4 sa susunod na buwan ng Oktubre. Ito, ayon sa SINAG ay dahil hindi naibigay ng pamahalaan sa mga palay farmers ang cash aid na gagamitin sana sa panahon ng pagtatanim. […]
-
MMDA: LGUs sa MM magpapatupad ng 7:00 hanggang 4:00 working hours
SIMULA ngayong Lunes ang mga local government units (LGUs) sa Metro Manila ay magpapatupad ng 7:00 sa umaga hanggang 4:00 ng hapon ang working hours na pinagtibay ng isang Metro Manila Council (MMC) resolusyon na may petsang Feb. 28, 2024. Ayon sa MMDA mula sa kabuohang 645,000 na empleyado ng pamahalaan sa […]