• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Hinamon ng mga Kongresista ang PACC na samahan ng ebidensiya ang ‘grossly unfair’ na alegasyon

Mariing itinanggi at kinondena ng mga mambabatas ang pagkakalagay ng kanilang pangalan sa listahan ng Presidential Anti-Corruption Commission (PACC) na isinumite kay Pangulong Rodrigo Duterte hinggil sa mga kongresista na umano’y sangkot sa katiwalian.

 

Hinamon din ng mga kongresista ang pacc na samahan ng ebidensiya ang ‘grossly unfair’ na alegasyon na korupsyon laban sa kanila kaugnay sa mga infrastructure projects sa kanilang mga distrito.

 

Bukod sa pagtanggi ni Occidental Mindoro Rep. Josephine Sato sa alegasyon, naniniwala ito na ang alegasyon ay para guluhin ang lokal na pulitika sa probinsiya.

 

Naniniwala rin ito na ang akusasyon ay nagmula sa kayang mga “political detractors.”

 

Handa rin anyia siyang sumailalim sa imbestigasyon ng alinmang ahensiya.

 

Ikinagulat din ni Bataan Rep. Geraldine Roman ang pagkakabanggit ng kanyang pangalan sa listahan pero nagbigay naman ng kaunting

kapanatagan ang paglilinaw ng pangulo na hindi beripikado ang natanggap niyang impormasyon,

 

“Public service has never been a money-making venture for me or my family whose good name is highly esteemed in Bataan…. I am open to any investigation to establish the truth on this matter and I am sure that my honor will be vindicated. My conscience is clear,” pahayag ni Roman.

 

Maging si dating Ifugao representative Teddy Baguilat Jr. ay itinanggi ag akusasyon at iginiit na hindi siya sangkot sa anumang imbestiigasyon o kaso ng korupsyon.

 

Pahayag naman ni Northern Samar Rep. Paul Daza na “baseless and malicious,” ang naturang alegasyon na pinaniniwalaang nagmula sa reklamo na isinampa ng kanyang mga kalaban sa pulitika.

 

Handa rin aniya niyang harapin ang anumang imbestigasyon sa akusasyon para malinis ang kanyang pangalan.

 

Gayundin, itinanggi din nina Deputy Speaker Henry Oaminal, ACT-CIS Partylist Rep. Eric Yap ang alegasyon at Quezon Rep. Helen Tan na nagpahayag na ang alegasyon ay hindi lamang nakakapanirang-puri kundi

 

“prejudicial” din dahil wala namang ebidensiya ang mga ito.

 

“The inclusion of my name in the report released by the PACC, despite the lack of evidence, is not only malicious but also prejudicial, especially that the issue involves alleged corruption and conspiracy with DPWH,” ani Tan. (ARA ROMERO)

Other News
  • Malakanyang, pinuri ang local coast guard personnel sa ginawang pagpapaalis sa Chinese naval ship sa baybaying dagat ng El Nido, Palawan

    PINURI ng Malakanyang ang local coast guard personnel para sa ginawang pagpapaalis sa Chinese naval ship na namataan sa katubigan ng bansa.   “Congratulations po sa ating magigiting na PCG (Philippine Coast Guard),” ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque.   “I’m sure in due course you will be given the proper recognition that you deserve. […]

  • FIVB nagpasalamat kay Pangulong Marcos

    NAGPASALAMAT ang pamunuan ng FIVB sa Pilipinas na magsisilbing host ng prestihiyosong FIVB Men’s World Volleyball Cham­pionship na gaganapin sa susunod na taon.     Nag-host si Pangulong Bongbong Marcos ng programa sa Kalayaan Grounds sa Malacañang Palace para sa mga kinatawan ng FIVB na duma­ting sa bansa para sa d­rawing of lots.     […]

  • 27 milyong Pinoy, target na gawing fully vaccinated ng gobyerno sa katapusan ng buwan

    TARGET ng pamahalaan na gawing fully vaccinated ang 27 milyong Filipino laban sa nakamamatay na coronavirus disease (COVID-19) sa katapusan ng buwan.   Isiniwalat ni vaccine czar Carlito Galvez Jr., isa ring chief implementer ng National Task Force (NTF) Against COVID-19, na hangad ng gobyerno na gawing bakunado o fully vaccinated ang limang milyong Filipino […]