Gobyerno, walang ginastos kahit na isang kusing na mula sa pondo ng pamahalaan
- Published on December 30, 2020
- by @peoplesbalita
IGINIIT ng Malakanyang na walang ginamit na kahit na singkong pondo ng pamahalaan sa pagpapabakuna laban sa COVID-19 ng mga miyembro ng Presidential Security Group (PSG).
Malinaw ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque na walang nilabag ang pamahalaan ukol sa “prioritization for COVID-19 vaccination”.
Sa ulat, umamin si PSG BGEN Jesus P Durante III PA na nagpabakuna na sila laban sa COVID- 19 hindi para sa kanilang personal agenda kundi bahagi ng kanilang misyon na protektahan si Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Sa kalatas na ipinalabas ni Durante, nakasaad dito na ang PSG ay pangunahing unit ng AFP na ang mandato ay protektahan ang pinakamataas na lider ng bansa.
Sa kasalukuyan aniyang pandemya, kailangang tiyakin ng PSG na hindi sila banta sa kalusugan at kaligtasan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Aniya, ang PSG ang nangasiwa sa COVID-19 vaccine sa mga personnel nito na nagsisilbi bilang close-in security operations ng Pangulo.
Bago pa ito ay si Pangulong Duterte mismo ang nagsiwalat na may ilang miyembro ng military ang naturukan ng bakuna mula Sinopharm kahit hindi pa aprubado ng Food and Drug Administration ang kahit na anumang COVID-19 vaccine sa bansa.
Sinabi ni Sec. Roque na hindi niya alam kung paano nakapaso sa bansa ang naturang bakuna.
“Hindi ko po alam kung pa’no ‘yan nakalusot,” diing pahayag ni Sec. Roque.
-
DOH: ‘TB cases posibleng lumala dahil sa tinapyas na alokasyon sa 2021 budget’
AMINADO ang Department of Health (DOH) na mas malaking banta ang kapalit nang tinapyas na pondo sa National Tuberculosis (TB) Control Program ng ahensya sa susunod na taon. “Sa kabila ng mataas na bud- get utilization ng programa sa taong 2019 (99%) at 2020 (96%), Php 502,835,000.00 lamang ang naapprubahan na budget para sa […]
-
JOHN, mukhang susunod nang magpapaalam sa ‘Ang Probinsyano’; magko-concentrate na lang sa ‘It’s Showtime’
MUKHANG si John Prats na kaya ang bagong malalagas sa cast ng FPJ’s Ang Probinsyano. Isa si John sa members ng Task Force Agila pero sa isang teaser ipinakitang duguan ito at naghihingalo habang tinatawag si Cardo. Nabaril si John matapos na mapagtripan ng ilang kalalakihan. Hindi naman bago […]
-
COVID-19 ‘work-related disease’ – DOLE
Makakatanggap na ng kompensasyon buhat sa pamahalaan ang mga manggagawa sa public at private sectors na dinapuan ng COVID-19 habang nasa duty makaraang maisama na ang coronavirus 2019 sa listahan ng “occupational and work-related diseases”. Inaprubahan ng Employees’ Compensation Commission (ECC) board ang Resolution No. 21-04-14 na nagtatakda ng kompensasyon sa mga manggagawang […]