• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Speaker Romualdez, Tingog Party-list, DSWD sanib-puwersa sa pagtulong mga drayber, estudyante sa Bulacan

PINANGUNAHAN ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez ang pamamahagi ng tulong pinansyal sa may 2,000 drayber at mag-aaral sa Bulacan nitong Miyerkules.

 

 

Ang pamimigay ng tulong ay natupad sa tulong ni Pangulong Bongbong Marcos na makapagbigay ng magandang serbisyo sa publiko sa pamamagitan ng Assistance to Individuals in Crisis Situations (AICS), isang programa ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) na pinamumunuan ni Sec. Rex Gatchalian, dating kinatawan at alkalde ng Valenzuela City.

 

 

Mismong si Speaker Romualdez, at kanyang may-bahay na si Tingog party-list Rep. Yedda Marie Romualdez, ang namahagi ng tig P5,000 tulong sa may 1,000 kwalipikadong miyembro ng Jeepney Operator at Drivers Association, at 1,000 estudyante.

 

 

Isinagawa ang AICS payout sa Valencia Hall ng Bulacan State University.

 

 

Nagpahayag naman si Speaker Romualdez ng paghanga sa Tingog sa pagpapakita nito na buhay pa ang Bayanihan sa mga Pilipino.

 

 

Samantala, nagsilbi namang panauhing pandangal si Romualdez sa pagbubukas ng Alagang Tingog Center (ATC) sa unang Distrito ng Bulacan.

 

 

Ikinalugod ng House Speaker na buhay at nananatili pa rin sa mga Pilipino ang pagkakaisa, paglilingkod at pagkahabag anuman ang estado sa buhay.

 

 

Naaayon din aniya sa direktiba ni Pangulong Marcos na palawakin at gawing madali ang pagpapaabot ng serbisyo ng gobyerno sa publiko ang pagtatayo ng ATC.

 

 

Aniya ang dedikasyon ng dalawang kinatawan ng Tingog ay nagpapatunay na malayo ang mararating kapag pinagsama ang isip at puso para mapaganda ang mga komunidad.

 

 

“The inauguration of the ATC is not just a celebration of a new building, but a celebration of hope, unity, and progress. Let this day mark the beginning of an era where the people of Bulacan, and the entire nation, feel more connected, heard, and cared for,” dagdag pa ni Speaker Romualdez.  (Ara Romero)

Other News
  • DICT balak maglunsad ng 15,000 libreng Wi-Fi sites

    BALAK ng Department of Information and Communications Technology (DICT) na maglunsad ng higit sa 15,000 libreng Wi-Fi sites sa unang kalahati ng 2023.     Iniulat din ng DICT na umabot sa 4,757 lives sites ang na-activate sa ilalim ng Broadband ng Masa (BBM) at Libreng WiFi.       Ang 4,757 live sites ay […]

  • Obiena umatras na sa pagsabak sa Germany dahil sa kulang na ensayo

    UMATRAS na si Pinoy pole vaulter EJ Obiena sa pagsali sa Init Indoor Meeting dahil sa kakulangan ng ensayo.     Sinabi ng kaniyang advisor na si Jim Lafferty na nagdesisyon si Obiena at coach nito na si Vitaly Petrov na hindi lumahok sa nasabing torneo nagaganapin sa Karlsurhe, Germany.     Wala aniyang problem […]

  • Tuwang-tuwa dahil ‘di nagbago ang Megastar: SHARON, hindi pa rin maka-get-over sa mga sinabi ni JESSICA

    AMINADO si Megastar Sharon Cuneta na hindi pa rin siya maka-move on sa mga magagandang sinabi ni Ms. Jessica Soho.   Sa IG post ni Sharon, sinabi nito na, “Hanggang ngayon, di parin ako makaget-over sa mga sinabi ni Ms. Jessica Soho sa akin sa youtube channel ko.   “Iba kung ang isa sa pinakatitingala […]